Sayo ay marami akong gustong sabihin.
Lakas loob, sayo ay may aminin.
Na itong puso kong ito,
Matagal ko ng inilaan sayo.

Pero alam kong imposibleng maging tayo.
Pilitin ko man, wala talagang ikaw at ako.
Dahil ang puso mo ay nabihag na ng iba,
Wala ka na, mahal kong sinisinta.

Ang tanging mahihiling ko lang sayo,
Sana kahit kaunti, pansinin mo ako.
Hindi naman lahat ng oras ang nais ko,
Kahit saglit lang, masaya na ako.

Masayang masakit pag ika’y nakikita.
Lalo na kapag kasama siya, ikaw ay maligaya.
Habang ang puso ko’y tinitiis ang kirot.
Gustuhin ko man, hindi ko kayang mapoot.

Pinipilit kong kalimutan na kita,
Pero sadyang hindi ko talaga kaya.
Sapat na sa akin ang masilayan ka,
Kahit masaya ka sa piling ng iba.

Sana simula pa lang ay hindi ka nakilala.
Eto ako ngayon, ako ay nagdurusa.
Pero kahit ganito ang sitwasyon ko,
Mamahalin pa rin kita, sa paraang alam ko.