Ika’y tila Mapagpanggap
Categories Poetry

Ika’y tila Mapagpanggap

Unti-unting tumutulo ang luha

Hindi maintindihan ang nadarama

Unti-unting nilalamon ng lungkot

Mga nakaraang alaala ay sangkot

 

Saan nga ba nagkamali

Lahat ng pangako ay nabali

Hanggang doon na nga lang ba

O may hahantungan pang iba

 

Napapagod kakaisip

Inaakalang lahat ay kathang isip

Sabik sa mga salitang binitiwan

Ngunit sa bandang huli ay iniwan

 

Nagpapanggap lamang sa ngayon

Ngunit ang damdamin ay di naaayon

Ngumingiti’t tumatawa

Ngunit ang puso ay ngumangawa

 

Ilang buwan ka ng nagpapanggap

Puno ng saya kapag magkaharap

Hindi mapapansing ang mga mata’y may tinatago

Pighating simula nung iniwa’y hindi nagbago

 

Sasaya ka rin

Lalaya ka rin

Babalik ulit ang ningning

Sa mga matang parang nilikha ng sining

Prev To the man who fixed me but i can’t have
Next Para sa Lalaking Nagsabi sa Akin ng Hindi