Hindi Pwede

Naalala ko yung mga panahon na una pa lang kita nakita. Pansin ko ikaw yung uri ng tao na buringot, parang galit sa mundo, at may malalim na pinagdadaanan. Maraming may ayaw makatapat sayo, lalo yung mga taong nakakatanda sa akin dahil sa pagpapahirap na nagawa mo sa kanila. Meron pa rin akong naririnig na kwento kwento tungkol sayo, lalo na sa mga kasabayan kong grumaduate.

Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang nakita ko sayo at parang nagpatibok ng puso ko. At kahit walang paliwanag, naiintindihan ko ang pagkatao mo. Naaalala ko yung sinagot kita sa classroom tungkol sa mga katoliko na hindi nagbabasa ng bibliya. Hehe, ibahin mo ko nagbabasa ako ng bibliya. May mga dumaan na rin na tao sa buhay ko, na minahal ko. Akala ko lubusan nang nawala yung nararamdaman ko para sayo, hindi pa pala. Akala ko huling tagpo ko na sayo yung sa colloq nagkataon na ikaw ang nagtanong sa groupo namin at masama luob ko na hindi ako nakasagot, tukso rin ang tadhana pinagtagpo na naman tayo sa isang cert course. Nanunumbalik na naman ang nararamdaman ko, pero wag kang mag alala pipigilan ko hanggang sa makagraduate ako dito.

Naniniwala rin akong mawawala eto at ayaw kong lumalim pa to, takot ko na rin baka pareho tayo ng nararamdaman. At pag nagkataon na mahuli na ang lahat at sundin ang bugso ng damdamin. Hindi ko alam kung anong panghuhusga ang nakaabang sa ating dalawa. Hinihiling ko rin kung sakaling malaman mo bago man ako makaalis dito, pakiusap layuan mo nalang ako. Ipagdadasal nalang kita at pasasalamatan ko ang Diyos ang pagkakataon na nagkatagpo tayo ulit.

Gusto kita, pero hindi pwede. Dahil mataas ang respeto ko sayo, Sir.

Exit mobile version