Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi sa lahat ng oras ikaw ang magsosorry
Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang maghahabol
Hindi sa lahat ng oras ikaw ang magbibigay solusyon
Hindi sa lahat ng oras ikaw ang sasang ayon
Hindi sa lahat ng oras ikaw ang papabor
Hindi sa lahat ng oras ikaw ang hihinto sa diskusyon
Hindi sa lahat ng oras ikaw ang magpaparaya at hindi sa lahat ng oras ikaw ang lalaban
May mga desisyon na dapat munang pinag iisipan minsan mali pero minsan nakakabuti
May mga bagay na sa una masakit pero darating yung araw na magiging worth it
Sana naisip nya kung ano yung mga ginawa mo
Sana maisip nya kung gaano ka naging kuntento at naging abusado sa sarili mo para lang tumagal yung kayo
Hindi naman sa lahat ng oras ikaw yung magpapaka martyr
Hindi naman sa lahat ng oras ikaw yung hahanap ng solusyon para maging maayos kayo
Hindi naman sa lahat ng oras kailangan mong intindihin yung mga bagay na dapat ay para sayo
At hindi naman sa lahat ng oras ikaw yung sasalo ng bigat mula sa taong minahal mo ng sobra na halos ibigay mo na lahat pati huling hibla ng buhok mo
Sana maisip mo rin na kapag ayaw na sayo palayain mo na kapag bumalik itanong mo kung kaya pa ba nyang tiisin kung paano mo pahalagahan yung meron kayo.
Sana maisip nya kung gaano ka naging maluwag sa mga bagay na gusto nya.
Sana maisip nya na hindi sa lahat ng oras maghihintay ka habang nasasaktan ka.
Hindi sa lahat ng oras magiging malungkot ka sa kung anong estado ng kayo sa ngayon
Pero kailangan mong maging matatag
Kailangan mag tiis para sa posibilidad ng pagbalik
Mahirap umasa sa walang kasiguraduhan lalo na kung sya ay lumalayo na
Mahirap mag isa lalo kapag wala kang sasandalan
Mahirap mag isa sa loob ng madilim at apat na sulok na puno ng lungkot
Ngumiti at lagyan ng konting tamis ang mga ngiti na halos mapunit ang labi na nagsasabing tiis lang magiging ok ka rin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required