“Hindi sapat ang pag-ibig”
Categories Relationships

“Hindi sapat ang pag-ibig”

Hindi ko mainitindihan ang famous break up line na ” Hindi sapat ang pag-ibig”

Bakit Hindi sapat ang pag-ibig eh Kung sa una palang pag-ibig ang dahilan Kung bakit meron ikaw at ako.

Bakit Hindi magiging sapat ang pag-ibig Kung Ito ang dahilan bakit nilikha ang langit at lupa.

Bakit Hindi maGiging sapat ang pag-ibig?

Sagot Ng mga taong Hindi ko mainitindihan Kung alam ba talaga nila ang salitang “pag-ibig”.

Ang alam ko Kasi kaakibat Ng pag-ibig ang komitment, pangunawa, kabutihan at sakripisyo sa taong imperpekto katulad ko.

Alam ko Kasi sa pag-ibig ginagamit din ang isip Hindi Lang puro emosyon.

Alam ko Kasi sa pag-ibig may kaakibat na aksyon sa mga salitang pinapangako.

Alam ko Kasi ang pag-ibig Hindi mabubuo
Kung wala Ka munang pag-ibig na bigay ng Maykapal.

Bakit Kaya Hindi magiging sapat ang pag-ibig Ng isang Tao?

Dahil si Hesus Lang ang sagot
Sa Hindi sapat na pagibig Ng tao.

Pero alam ko na Hindi masasabing ” Hindi sapat ang pag-ibig”, Kung tunay ang iyong pag-ibig.