Categories Relationships

Isang Linggong Pagkatuto

Miss(c)tiana

Isa dalawa tatlo
Apat lima anim

Sa anim na araw
Ating likhain ang pagkatuto
Umpisahan sa kabuuan,
ang puno at dulo
Inilaang oras, panahon at mga sakripisyo
Bukod tangi ka bang alayan ko?

Sundan ng mga bahaging iniyakan
Mga hindi pagkakaintindihan
Mga sandaling nabigo’t umuuwing luhaan.

Pangatlong araw na naman
Ating muling balikan
Mga pangakong natigang
Mga salitang ang hirap ng paniwalaan
Di mo mawari kung alin ang katotohanan.

Ang sumunod ay pagunita
Gunitain natin ang mga araw at gabi
Na tayoy nakatitig lamang sa nagniningning na mga bituin
Habang nangangarap ng gising
Na sanay maabot ang hiling

Ngunit, panglima tayoy nahumaling
Marupok, maselan, nadala ng hangin
Sa bagyo ng pag-ibig
Tayoy nagpadaig
Sumama, nagpatangay sa ihip ng hangin
Di mo inaasahan

Ngunit, pang-anim
Lahat ng ito’y matatapos din
Mahirap,oo
Mahirap tanggapin
Pero sana naman
Sa ikapitong araw ang pusoy pagpahingain

Isa dalawa tatlo
Apat lima anim
PITO
Tayo ay matuto

Prev A SAD POETRY
Next She vs. Me