030320–
Malayo na rin naman ang narating natin kung tutuusin, kilala mo na ang totoong ako.Kasi mas nauna ang pagiging magkaibigan kesa ang pagmamahalan natin,teka baka Pagmamahal ko lang talaga para sayo.
Hindi ako masasabing bagay para sayo,at alam kong nung pumasok ako sa buhay mo isang kaibigan lang ang tingin mo talaga sakin.
OO sinabi mong minahal mo ako pero magpakatotoo nalang tayo, may dahilan lang naman kasi talaga yun.. at yun ay dahil lang sa awa…
Nakita mo kasi ako na nadurog, na nagdurusa.. ikaw yung umagapay sakin at umalalay nung mga panahong tumigil ang mundo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil sa nakaraan ko..at hanggang sa naramdaman ko nalang, ikaw na pala yung minamahal ko..
At first, in denial pa ako. Ayaw kong maniwala kasi unang una naman,damn! i don’t like you,from the outer to inner you..ang arte and ung postura mo is iba na pakiramdam ko’y di magiging akma sakin.. Pero totoo kasi yung sinasabi nila, “di mo matuturuan ang puso” kung sino ang dapat mong mahalin..
Hanggang sa natanggap ko yun,inamin ko at sinabi ko sayo ng walang pag aalinlangan..Di naman ako nadismaya kasi sinabi mo din sakin na mahal mo na rin ako..Parang langit ang dating,swabe, ang gaan ng mga pangyayari. Akala ko , okay na..akala ko,tuluyan mo na akong sinalo.
But then in a short moment, after a few days biglang nalubog na naman yung sarili ko sa sakit at lungkot, kasi di ko alam na parte lang pala yun ng kalungkutan mo siguro kaya nasabi mo sakin na mahal mo rin ako.Di ako nag isip,di muna kita kinilatis mabuti. Pero kahit ganun,di ako nagalit sayo, ni konti ..kundi ang nanaig parin yung pagmamahal ko para sayo..
Sobrang sakit maiwan sa ere..pero atleast ikaw nag papaalam ..
Ilang beses mo akong iniwan, blinock, inunfriend, at binitawan…
but still, i am here staying to the same place where you left me.
Mas pinili mo sya,at alam ko naman sya yung mahal mo..
ang sakit pero pinipilit kong ingiti, di dahil para sakin kundi para din sayo,kasi alam ko sa kanya ka sasaya.
sa pananatili ko,
wala akong ibang ginawa at inisip kundi para sayo..
lahat ginagawa ko,lahat ng kaya ko pinapakita at pinapatunayan ko sayo,nakatalikod ka man o nasa tabi ko..
gusto ko pang iparamdam sayo yung pagmamahal ko kaso,
wala akong karapatan.
wala ako sa lugar.
kaya wala akong lakas ng loob na gawin ng gawin.
lumalaban ako mag isa,
kayang kaya ko..
kahit nakakapagod or nakakasawa,
di ako nakakaramdam,kasi alam ko para sayo naman.
if mapagod man ako ,nagpapahinga lang pero nanatili parin nilalaban ka sa lahat..
kaso habang tumatagal mas binabalewala mo nalang din lahat ee..
hanggang sa pinipili ko nalang ituon sa isipan ko na
kahit anong gawin ko, di ako magiging sapat para sayo..
pero
sobra akong naging tapat at totoo sayo.
alam ng lahat yan,
kahit minsan nagagalit na sila sakin dahil daw sa katangahan kong to.
mas iniisip ko kasi yung kaligayahan mo.
kesa sa sarili kong kaligayahan.
kaya nga ngayon,
eto nalang mga magagawa ko sa ngayon.
pinipilit kong ituloy yung pagmamahal ko sayo
kahit ako nalang mag isa,
di na ako susubok muna ulit.
nakakapagod na din kasi kumilala at maglaan ng oras,effort at atensyon pagtapos di parin magiging sapat.
sa mga sulat ko nalang idadaan
lahat ng nararamdaman ko.
alam ko balang araw malilimutan ko rin itong nararamdaman ko para sayo.
–bebe ko..040993kjc
wa