Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ang saya noong una tayong magkakilala
halos ayaw na nating umuwi kapag tayo ay magkasama mukha mo’y Ang sarap titigan mga mata mong nakakaakit tignan.

Lumipas ang ilang buwan at nahulog tayo sa isat isa at nagkaibigan, ang hiling ko sa may kapal na tayo ay magtagal. Ngunit pagkalipas ng panahon kasabay ng paglanta ng mga dahon.

Hindi ko namalayan Ang iyong paglayo ako na pala ay iyong nilisan ng hindi ko namalayan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ilang taon ang paghihintay, akala ko babalik ka, ngunit nakahanap kana ng iba. At ako durog sa napako mong mga pangako.

Ang hirap kalimutan ang mga masasakit na nagdaan pero pinilit Kong nilabanan, habang ikaw masaya ka sa piling ng iba.

Pinili ko nalang magparaya, dahil alam kong masaya kana,darating ang araw magiging masaya din ako para sa inyong dalawa.

Maraming salamat kahit sa konting panahon na tayong dalawa ay naging masaya. Kung maibabalik lang Ang kahapon kasabay ang paglaki ng mga dahon, yayakapin kita ng mahigpit, at sasabihing sana nakahanap ka na ng mas higit pa sa akin.

Ikaw parin ang hanap ng pusong ligaw,ikaw ang patutunguhan at pupuntahan. Hindi kita makakalimutan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required