Hinihintay Kita
Categories Waiting

Hinihintay Kita

Sa mga taong nawawalan ng pag-asa sa pag-ibig:

Nakita kita doon sa harapan ko, nakahintay sa altar habang nakangiti ng malaki. Iyong ngiti na matamis at ikaw ay napapaiyak. Pinipigilan ang mga luha mo na mahulog sa iyong mga mata. Halatang ang crybaby mo talaga, sabagay mas bata ka pa sa akin pero kahit ganoon mahal na mahal pa rin kita. Naglalakad ako hinay-hinay habang katabi ko naglalakad papa ko. Napalingon ako sa papa ko habang sinabi niya na, “Ang dali lang ng panahon, ikakasal na ang anak ko sa tao na hindi ko inaakala na papakasalan mo, nak.” Sabi niya sabay ngiti at ako napatawa lang ng mahina. “Hindi ko nga rin inaasahan, papa.” Aking binalik ang tingin sa minamahal ko na naghihintay sa altar.

“Siya iyong una nagkagusto sa akin at una na tao nagtapat ng damdamin sa akin. Siya iyong una na nagmahal ako ng sobra at nasaktan ako ng sobra.” Ngumiti ako at tumingin ulit kay papa. “Kaya pala naghiwalay kami dati dahil hindi pa tama ang oras. Tamang tao sa maling oras.” Ngumiti papa ko at nag-pat siya sa ulo ko na ikinagalit ko. “Pa, yung buhok ko!” Tumawa siya at ako’y napatawa narin. Binalik ko ulit iyong tingin ko sa kanya, ang hawig ng buhok niya ay nakaayos.

Mas lalong gwapo siya tignan ngayon, gusto ko nang tumakbo at higpitan ang yakap ko sa kanya. Sa wakas, sa tagal ng hintay ko, dumating ka na rin sa buhay ko. Palagi kitang hinihintay, mahal ko. Naalala ko pa iyong mga araw na tayo ay tinedyer pa, kung paano tayo naghiwalay pero ngayon tignan mo ngayon, tayo ay ikakasal na.

Sa wakas, nakadating na ako sa kanya, hinalikan ako sa pisngi sabay bulong na, “Ang ganda-ganda mo ngayon.” At itong ate ninyo, nakilig sa mga salita na binatawan niya sa akin. Kaya sabi ko rin, “Huwag ka ng iiyak kasi, papangit ka sige.” Tumawa siya at binigyan ako ng friendly glare sabay sabi na, “Bantay ka sakin mamaya.” Ay nakoo, hahahaha. Ayon, we exchanged our vows. Ngayon legal na kami sa mata ng Diyos.

Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigay siya sa akin sa tamang oras at panahon. Matagal na kitang hinihintay pero sa wakas binigay ka na rin sa akin. “You may now kiss the bride.” sabi ng pastor sa amin. Tapos tinignan ako sa mga mata ko ng mahal ko, iyong mga mata na hinding-hindi ko maalis ang aking titig ko sa kanya. Itinaas niya iyong veil ko tas ngumiti at sabi niya na, “Sa wakas, matagal ko nang gusto gawin ito sa iyo. I love you, mahal.”

Kaya sa mga tinedyer diyan, huwag kayong mawalan ng pag-asa. May dadating talaga kaya maghintay kayo, huwag magmadali. And, it goes for me too. Let’s trust in God’s plan for us and wait for the right timing.

Nagmamahal,
Therese

Leave a Reply