HINTAY
Categories Poetry

HINTAY

Hintay

Isinulat ni: princess_barbie18

Dasal ang takbuhan ng pusong may hiling
Na matagpuan ang taong nais makapiling
Buwan, taon ang hinintay marinig lamang ang pusong sinisigaw 
Na ang tanging nais ay ma kasama ang isang Ikaw

Mahal, oh kay sarap isipin na may salitang tayo 
Ang salita na bumuo sa aking magulong mundo
Mahal, oh kay sarap titigan ang iyong mga mapupungay na mata
Mga matang ngumingiti tuwing ako ay nakikita

Ang iyong malamig na boses na siya lamang aking nais marinig
Ang bawat pag lapit mo na nagbibigay ng kakaibang pintig
Mahal, ikaw ang taong kay tagal hinintay
Hinintay ng pusong labis nalumbay

Oh mahal, pakinggan mo ang aking munting tinig
Na sa iyong muling pag-alis, ang puso ay may hiling
Mahal, wag mong kakalimutan na may taong naghihintay sa iyong pagbabalik
Buwan, taon man hintayin, handa ang pusong sabik

Tandaan mo mahal ko, wala sa diksyunaryo ko ang salitang sumuko
Dahil kahit ano pa ang pagsubok na tayo ay magkalayo
Oras, distansiya o ano pa yan, handa ang pusong nagmamahal
Dahil alam ko ikaw ay babalik sa aking piling, oh aking mahal

‘You are always worth the wait my love”