Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Para sa’yong hanggang ngayo’y pilit pa ring pinupunan ang puwang…

Sumisid na naman ang buwan sa kalaliman
At pilit ko pa ring pinapaalala sa sarili ko:

Ibulong mo sa kaniyang palayain niyo na ang sarili n’yong mga multo
Para hindi na kayo magkagulo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi na kayo magkaroon ng pagpaparamdam pagkatapos ay pareho kayong matatakot

Matatakot kung haharapin n’yo ba ‘yung multo at mauuwi kayo sa pagtakbo, sa pagtatago.
Iwanan n’yo na sa kahapon ang kahapon.

Ang bangkay ay para ibaon.
Ang multo ay para palayain.
Ang nakaraan natin ay para limutin.

Ang tayo ay para bitawan.

Ang ikaw,

At ako, ay para buhayin.

PS. Healing is just around the corner, grab it.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required