How Does A Problem Starts?
Categories Adulting

How Does A Problem Starts?

It starts when…. you perceive everything based on your own perspective only. Yung moment na sobra na ang takot mo para sa iba, kasi takot ka para sa sarili mo. Parang OA na yung paglalagay mo sa sarili mo sa sitwasyon ng iba. Kaya madaming limitation. Ang madalas na nababanggit mo ay, “Kung ako ikaw…” o “Kapag ako yan…”. Oo, hindi masamang mag set ng example o kaya magbigay ng sariling pananaw. Pero kung palaging negative at hindi makakatulong naman ang sasabihin o isa-suggest, para saan pa yung sariling opinion mo? Nasanay kasi tayong magbigay ng solusyon na madali at nakakawalang gana, para di na itutuloy ng kausap ang mga nakalaang plano at decisions. Kung makikipag-usap ka rin lang naman, lawakan mo na yung pananaw mo. Sanayin palaging balance. May pros, may cons. May advantages at disadvantages. Sa pakikipag-usap dapat, hindi yung ikaw na ang nagdedesisyon para sa kausap. Bigyan parin siya ng options, para pag dating ng panahon na nasa kalagitnaan siya ng malaking problem, malalaman niya ang mga bagay na pwede niyang i-consider. Kung paano mo kinakausap ang isang tao at binibigyan ng halaga ang existence niya sa pamamagitan ng mga “things to consider before doing something”, mas magiging confident siya at lalawak ang pananaw niya na habang nabubuhay, kailangan maging considerate sa lahat. Hindi limited sa sariling nakasanayan lang. They might be annoyed to you everytime you put yourself into their situation, then suggest a nonsense solution to their problem.

It starts when….. you constantly blame everyone, anytime. You blame them because they’re dumb, ignorant and new to what you’re doing. There are times that a person is belittled because he/ she acts different with what you usually do. Kapag hindi kayo pareho ng reaction, siya yung weird, ikaw yung normal. Kapag nakakita siya ng bagay na hindi familiar sa kanya, pero ikaw gamay na gamay mo, siya bobo, ikaw ang matalino. Kapag nakapunta siya sa lugar na unang beses palang narating, tapos ikaw pabalik balik na, siya taong bundok, ikaw taong mapalad. Kapag yung methods niya ng pagluluto o paglilinis ay iba sa nakasanayan mo, siya di tinuruan ng magulang o rich kid kasi may katulong, ikaw independent at kayang mabuhay alone. Kapag body figures na ang pinag-uusapan, siya napabayaan sa kusina, “need to diet” at malakas kumain, ikaw healthy at blessed sa ganda ng figures. Kapag nakadamit ng kakaiba, siya out of the world, ikaw nakakasunod sa uso. Kapag walang nakikiatang ka-relasyon sa buhay mo, siya pihikan, maarte at torpe, ikaw magaling, lapitin at habulin. Kapag hindi natamasa ang success at 30’s, siya pabaya, tamad at palaasa, ikaw masipag at madiskarte. Kapag ikaw nakapag-asawa, nagka-anak at may narating na sa buhay, siya napag-iiwanan, kawawa at pangpa-raffle na lang, ikaw successful dahil nasa tamang landas. Many people nowadays see it as a misfit kapag hindi na attain ang tamang edad (kuno) sa pag-aasawa, sa panganganak (although may consequences to consider kapag na getting older ang babae) at sa pagiging successful. Hindi naman kasalanan ng isang tao kung ang katayuan niya sa buhay ay hindi kapareho ng narating mo ngayon. Kaya dapat di sila sinisisi ng bonggang bongga at binababa na ang dignidad nila dahil lamang sa pagkakaiba. Hindi dapat ikunukumpara ang mga sitwasyon sa buhay dahil hindi naman kayo pareho ng ginawa, mga piniling desisyon, at mga standards sa buhay. Iba iba ang description ng success ng bawat tao sa mundo. Kaya dapat walang sinisisi kung bakit iba sila sa nakasanayan mo. Wala silang kasalanan. Kung mali man naging desisyon nila, they will suffer the consequences, huwag mo nalang dagdagan. It’ll just add up in their problems and might stress them lately.

It starts when…. you find problems in every solution. Hindi mo binibigyan ng pagkakataong matapos ang isang issue, kasi hinahanapan mo nanaman ng problema ang nasolusyunan na. You never partake to solve a problem, instead, you insist that there is still a problem, pero nasa isip mo lang pala yun. Mahirap yun. Nag-iisip ka ng problema na di naman nag-e-exist, pero nagre-require ka ng proof at details? Yung parang gawin man o hindi ang isang bagay na gusto mo, di ka satisfied. Kasi marami kang insecurities at nagiging paranoid ka na. Mas lalong nakaka-stress ito kung tutuusin. Malilito ang mga nakakausap o mga makakasama mo kapag ganun. Stop being pessimistic! Kung alam mo namang mahirap yun para sa sarili mo, bakit kailangan mo pang isipin? Kung di naman nakakatulong para sa sarili mo, malamang sa malamang, di rin yun makakatulong sa mga makakasama mo. Huwag maging pabigat sa sarili, at magre-reflect yun sa pakikisama mo. Life is full of problems. Every problem has it’s own solution on the right time with the right people. If no solution, then it is not a problem. At hindi dapat pinagtutuunan ng pansin at oras in the first place.

Leave a Reply