Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.


Ikaw ang kape na hindi ako pinapatulog sa gabi, 
yung patuloy na nagpapa alala sakin na kahit sa pinaka madilim kong parte 
ay may handang sumama parin para isantabi ang isang gabi 
patunay na wala sa pait at lamig ang dahilan ng pagka wala ng balanse kundi sa pagka wala mo sa tabi. 

ikaw din ang gabi, na palaging nandyan at ayaw akong iwan 
ginawa kong sandata ang mga tasa para sa pagod ay hindi maging talunan 
at kahit na gano kadaming tubig ang pakuluan, ang antok ay katulad mo rin na akoy binabalik balikan 
wala sa sukat ng tapang ang kailangan para ikay malabanan, 
dahil minsan hindi sumasapat ang isang timplang sinosobrahan

Send me the best BW Tampal!

* indicates required