Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

may mga panahon na tinatawag ako nito
para patunayan na kaya din nyang magbigay ng anino
may mga panahon na hindi sya kumpleto
para sabihin na may sarili din syang gabi na sumasakop dito

dahil kung may araw at mga bituin na pwede sayong magpasaya
meron din tayong nag iisang buwan na bihira lang natin makita
ang tao, iniibig ang buwan, sa tuwing natatagpuan lang sya.
sana, maalala mo parin ang saya, kahit sa mga panahon na natatakpan sya

Send me the best BW Tampal!

* indicates required