Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

              
Naranasan mong hindi makatulog ng maayos dahil sa sakit, hindi makakain maski lumunok ng tubig ay mahirap na rin para sayo, sumisikip yung dibdib mo at nahihirapan kang huminga sa tuwing naiisip mo yung nangyari, nagigising ka nalang bigla tapos bigla kang malulungkot, parang dinudurog ng pinong pino yung puso mo,natutulala ka bigla, hindi ka makapagtrabaho ng maayos,worst mapapa absent ka nalang at Makakapag file ng SL (Sinaktan Leave!) kung nararanasan mo yan aba kaibigan nararapat kang magpatuloy magbasa, kasi kailangan mong mag MOVE ON!

 

Masakit mag MOVE ON sa natapos na relasyon, You invest a lot of things such as TIME, EFFORT, MONEY and YOUR WHOLE SELF WITH A HEART! You both shared a life to each other at naging part na sya ng buhay mo at ng pang araw araw mo. Akala mo panghabambuhay na kayo pero naghiwalay din kayo. You have a right to move on sa natapos na relasyon kasi nga mayroon o nagkaroon naman talaga ng word na “KAYO” naging “IN A RELATIONSHIP” naman kayo bago mapunta sa “IT’S COMPLICATED” and now up to “BREAK UP” .

 

Pero…….

 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Paano nga ba mag MOVE ON kung hindi naman naging kayo? Sounds weird right? You have to move on kahit hindi naman kayo naging MAG ON! Iba yung LEVEL ng sakit kahit wala naman kayong LABEL. Dumating ka na rin sa punto na hindi ka makatulog kakaisip sa kanya kahit hindi ka naman niya iniisip? Ouccchh! Masakit right? But the truth is you don’t have to be “IN A RELATIONSHIP” just to have a right to MOVE ON. As long as you loved someone at NASAKTAN ka because of that LOVE, You are entitled to MOVE ON!

 

              So here’s some TIPS on how to move on para sa mga nakaranas ng LANDIAN without LABEL, MUTUAL UNDERSTANDING , ONE SIDED LOVE, UMASA SA MALING TAO o NAGING REBOUND SA NAKALIPAS NA SAKIT NGUNIT WALANG CLEAR NA RELASYON.

 

  1.  CRY OUT! –  Iiyak mo lahat kung nasasaktan ka iiyak mo lang wag mong pigilan, ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo sa pamamagitan ng pag iyak. Pero isama mo si LORD sa pag iyak mo , Cry out all the pain in The Lord at habang umiiyak ka sabihin mo sa Kanya yung iniinda mo He is ready to listen and to comfort you. Proven and Tested na to! wag kang magduda. Kasi sa mga panahon na yan si Lord lang at ikaw yung mas nakakaintindi ng sakit. Cry out na parang wala ng bukas but make sure na ayan na yung huling hagulgol mo para sa sakit na yan don’t let the same pain hurt you again in the future. And also don’t let the same person caused you that so much pain again. MOVE ON bes!
  2. CALL A FRIEND!Bes, I am telling you hindi mo yan kaya mag isa, Mag CALL A FRIEND ka! You need a friend na kakausap sayo, magpapayo, makikinig at magcocomfort sayo kasi hindi mo talaga kaya mag isa yan but make sure na yung taong tatawagan mo ay yung MAY PAKE sayo like your Mentor/Leader, Accountability partner or bestfriend mo basta yung napagkakatiwalaan mo. Beware muna sa opposite gender mo na friend o kaChurchmate kasi baka macomfort ka nga sa sakit ngayon pero masalo ka naman o mahulog ang loob mo another hearthache yan bes! INGAT! effective to para kapag napopokmaru ka na naman may pwedeng bumatok sayo o magpaalala sayo ng pag iyak iyak mo at hindi ka na babalik sa old pain na yan in the future.
  3. CLARIFY ALL!Clarify all , liwanagin mo na sa taong nakasakit sayo lahat ng katanungan sa isip mo, lahat ng bagay na binigyan mo ng meaning na wala naman palang kahulugan sa kanya, lahat ng pag aasume mo liwanagin mo na rin.Dapat sa kanya mismo sya ang kausapin mo wag ibang tao kasi sya lang makakasagot ng lahat ng katanungan mo! at paniwalaan mo kung ano yung sasabihin niya at hindi yung sinasabi ng iba. kung sinabi niyang “HINDI KITA MINAHAL” paniwalaan mo kahit masakit kasi ayan yung totoo and the truth will set you free! kung nasasaktan ka sabihin mo sa kanya , ipaliwanag mo yung side mo kung gusto mo pero bes! I am telling you, Huwag mong ipagpilitan yung sarili mo sa kanya, ipaliwanag mo lang yung side mo humanap ka ng kaliwanagan at huwag ng kabaliwan. then MOVE ON! Bago mo gawin tong number 3 make sure na nakapagdecide ka na talagang mag MOVE ON , na gagawin mo to just to make all things clear para mas makapag move on ka ng maayos. At bitawan na yung mga imahinasyon na binuo mo mag isa sa isip mo. MOVE ON dakilang pokmaru! stop the karupukan!
  4. CLEAR ALL!Alisin mo na lahat sa isip mo lahat ng thoughts na ” Baka pwede pa” “Baka mahalin niya rin ako in the future” “Baka siya talaga yung para sa akin hindi lang tama yung panahon” and so on and so forth! Bes alisin mo yung mga BAKA sa isip mo, BAKA matampal kita! BAKA MASAKTAN ka lalo PALAYASIN MO NA YAN! Alisin mo na rin siya sa puso mo alam ko mahirap to pero pilitin mo kung gusto mong makabangon dyan PILITIN MO! IpaGUARD mo kay Lord yung puso mo paalis mo sa kanya lahat ng maling feelings o nararamdaman mo. IPAALIS mo na rin yung maling tao sa puso mo and just pray for the right one but be the right one first. Pray to God to put the right desire in your heart.
  5. COMMIT AGAINCommit again in The Lord baka kasi mas minahal mo na yung creation kaysa sa CREATOR kaya ayan nahampas ka ng todo! Commit all to God and kapag sinabing “ALL” included dito ang buong PUSO at ISIP. Yung pagmamahal na binigay mo sa tao, Ibalik mo kay Lord kasi para sa kanya talaga yan. MagCOMMIT ka rin sa pinapagawa niya sayo sa ministry man , pamilya o  para sa mga tao sa paligid mo. He can use you kahit BROKEN ka! Thru that brokenness He can make you whole. There a blessing in brokenness gagamitin niya yang pagiging wasak mo para buuin ang iba at buuin ka rin bilang matatag na tao. MOVE ON! COMMIT ALL TO THE LORD.

 

TRUST the PROCESS, Maybe it is painful but it is a powerful testimony. Maybe WASAK at DUROG ka ngayon pero magagamit at Mabubuo ka pa rin!

 

Lastly…. WAIT… Just wait, wag magmadali darating din yung para sayo magtiwala ka may inilaan SIYA para sayo. Galingan mo lang sa Trabaho na ipinagkatiwala sayo at darating din yung totoong magmamahal sayo basta MANALANGIN ka lamang at MAHALIN muna yung dapat mahalin .. pakalalim ka muna sa word of God at sumunod ka at susunod rin ang pagpapala may bonus pa! pero sa ngayon MOVE ON ka muna….. USAD ka wag malugmok!

GOD BLESS!

 

 

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required