Huli na
Categories Poetry

Huli na

Ikay inaalagaan ng ating magulang.
Kailan man hindi sila nagkulang.
Hindi alam kung anong pagkukulang.
Na siyang iyong ikinagalit at ikinasuklam.

Naisip mo ba ang mga paghihirap na dinaranas ng magulang natin?
O sadyang ayaw mo lang pansinin ang mga nangyayari sa pamilya natin.
Oras na upang makipag ayos at kausapin.
At lahat ng ito ay ayusin.

Ikay tunay na napahamal sa amin.
Ngunit di akalin na ganon ang mangyayari sa atin.
Ginawa ang lahat para buhayin.
Hindi mo man lang kinausap magulang natin,  bago nang ika’y kunin ng Panginoon sa amin.