HULING IKAW
by: JD
Ikaw ang simulat at huling ikaw
ng una pala kita nakilala ako’y nabighani sa iyong taglay na kagandahan
hindi ko inaasahan ang liit ng mundo
Pinagtagpo tayo pero hindi para sa isat-isa
Ikaw ang Simula’t at huling ikaw
Masaya ako nakilala ka at nakasama ka ng matagal
sa bawat kada minuto , segundo , Oras sinusulit na makasama ka
sa bawat araw sa pag gawa ng mga masasayang alala kasama ka
yun din ang huling minuto , segundo , oras na makakasama ka
Huling Ikaw..
Ikaw ang simulat at huling ikaw
na nagbigay kulay at liwanag sa madilim kong paglalakbay
Ikaw ang Simula iniibig mula ng una palang di nagbago pagtingin ko sayo
hanggang ngayon ikaw pa din ang laman ng puso ko
sabi nila “ang 1st Love” daw hindi basta basta makakalimutan
oo isa ka sa 1st Love ko salamat sa mga masasayang memorya kasama kita
at naging parte ng buhay ko hanggang dito sa puso ko nandito ka pa din
kahit alam ko kailan ko na mag move on at magsimula muli
dahil ikaw ang simulat at ang akin Huling ikaw..
Ikaw ang simulat at huling ikaw
Ikaw ang simulat hindi sa isang emotion kundi isang decision
para sa akin ikaw ang itinakda ni bathala para sa akin
at huling ikaw na mamahalin
si bathala ay isang naging Centro ng puso ko
habang ikaw ang inaantay
at ako’y handa mag antay sa tamang oras at panahon
sa itinakda ni bathala dahil ikaw ang simulat at huling ikaw
at balang araw ako’y mag aantay sa harap ng altar
at magbibitaw ng pangako kay bathala
na walang iba mamahalin kundi ikaw lang
“sa hirap at ginhawa,
sa sakit man o kalusugan,
at mamahalin mo siya
sa habangbuhay”
“Huling ikaw ang magiging bunga ng panalangin”