Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Alam ko na darating ang araw na kung saan matatapos ang lahat ng anumang meron tayo. Minsan naging bahagi ka ng buhay ko at nanging parte ako ng buhay mo.
Hindi ko man kayang ipagsigawan ang nararamdaman ko para sayo pero sana, sana naramdaman mo.
Hindi mo man ako minahal pero hindi ko pinagsisihan na naging bahagi ka ng buhay ko. Dahil sa mga panahon na magkasama tayo bawat minuto walang katumbas ang sayang naramdaman.
Pinaglayo man tayo ng tadhana hindi ko makakalimutan na may isang tulad mo na nagbigay ng kulay sa madilim kung mundo.
Sa mga panahong lungkot at takot ang bumabalot sa akin,ikaw lang yung taong gusto kung makita. Nasasaktan man ako dahil sayo ngunit ikaw pa rin ang dahilan ng mga ngiti ko.
Hindi ko nasabi sayo na mahal kita, hindi na ako magdadalawang isip ngayon na sabihin sayo.. Oo minahal kita kahit alam kung hindi dapat.
Magkakalayo man tayo at hindi na magkikita isa lang ang hiling ko na sana maging masaya ka. Mahanap ang taong mamahalin mo at kaya mong ipagsigawan sa mundo na siya ang babaeng mahal mo.
Gusto ko maging masaya ka.. SALAMAT… PAALAM MAHAL KO..

Send me the best BW Tampal!

* indicates required