Ang hina ko pagdating sayo pero ang lakas mo sakin sa isang sabi mo. Madaya ka, dahil umasa ako sa mga kilos mong mapanlinlang na hindi rin pala magtatagal. Sa umpisa lang pala ang lahat. Yung mga panahong hinawakan mo ang aking kamay kung saan madalas tayong nagdaraan. Madaya ka, nung dumampi sakin ang iyong mga labi na tila ba walang ibang tao sa paligid natin. Sa mga yakap mong wari’y ayaw akong bitawan at sa mga tingin mong hindi ko maiwasan. Ang mga kilig na pansamantala, doon ako naging parte dahil iiwan rin pala.
Mga tanong na bakit sa sa aking isipan. Ayokong bitawan sayo dahil ang sagot mo nanaman ay ewan. Gusto ko mang malinawan sa aking nararamdaman, wala naman pala talagang sa atin ay namamagitan. Naging mahina ako, pero bakit ako? Oo, ikaw ang naging madalas na kasama ko pero bakit hinayaang mahulog sayo. Hindi mo na ba kayang pagtiyagaan ang malungkot kong nakaraan? Na noong unang pagkukwento ko sayo ay interesado ka at ngayon ang lahat ay balewala na. Wala ka na bang gana sa aking pagkatao na tahimik lang at naghihintay nalang sa mga sasabihin mo? Maraming tanong sa aking isipan—Bakit? Paano? Saan? Saan napunta ang maganda nating nasimulan. Dahil ba sa pisikal na anyo ko na hindi na maamo dulot ng lungkot at pait sa nakaraan ko? O dahil may nakitang kang bago na naging interesado muli ang puso mo? Pakiusap, wag kang lumapit kung hahakbang ka rin palang palayo sa akin.