Sa lahat ng nagawa mo
Heto parin ako handang maghintay sa pagbalik mo
Umaasa na baka maibabalik pa ang dating tayo
Na baka magbago pa ang isip mo at balikan ako

Pero bakit ganun?
Iniwan mo na nga ako pero handa akong magpakatanga maibakalik ka lang sa piling ko
Titiisin ang sakit, gahit nadudurog na ang puso

Siguro darating din yung araw na mapagod ako
Mapagod ako sa kahihintay kahit nakakagago
Malinawan yung mga panahon na sinayang ko ang oras ko sa isang tulad mo
Panahon na pinaglaban ko na walang kasiguraduhan na babalik kapa sa piling ko

Bakit moko iniwan sa hindi sapat na dahilan para sumuko?
Bakit kailangan mong lumisan kung kaya mo namang panindigan?
Bakit ka bumitaw sa mga kamay kong kay higpit ang hawak sayo?
Bakit ka nangako kung sa huli ay mapapako?

Sa mga pagkakataong nasayang ko, pati kaligayan ko nilamon na ng kalungkutan
Ginawa ko lahat para manatili tayo, walang pagod ang damdamin ko na mahalin ka na walang halong biro.

Ang matapang kong damdamin ay unti-unti ng sumusuko.
Ang nga ngiti kong kay tamis unti-unti na ding naglalaho.
Ang lakas ng tama ko sayo, daig ko pa ang nag iinoman sa kanto.
Ang bigat ng pakiramdam ko, parang dinadala ko ang mundo.

Mabuti pa yung sakit ng tattoo nakaya kong tiisin
Pero ang dinulot mo sakin parang habang buhay ko ng dadalhin.
Para tayong parallelogram, part lang tayo ng square pero hindi tayo pareho ng side at sukat.

Salamat sa alaala na lagi kong pinapantasya.
Sa sobrang saya, tinalo ko pa ang nanalo sa lotto ng hindi inakala.
Ang mga alaala na yun ang rason kung bakit ako lumalaban sa panibagong yugto ng buhay ngayon.

Salamat dahil marami akong natutunan dahil sayo
Salamat kasi, natuto akong bumitaw sa mga bagay na hindi ko na kayang hawakan.
Salamat kasi natuto akong mahalin ang sarili ko sa mga bagay na napapasaya ako.

Mahal, alam ko na minahal mo naman ako sa sandaling panahon
Pero mas mahal mo siya kaya bumitaw ako sa ating dalawa.
Mamahalin ko nalang ang sarili ko, bigyan ko naman ng kalayaan ang puso kong pagod na nagmahal sa taong iba ang mahal.
Mahal na mahal kita mahal, alam mo yan lagi kong pinaparamdam sayo bawat oras na magkasama tayo.
Lagi kang mag-iingat mahal, alam ko masaya ka na sa piling niya. Wag kang gagawa ng mga bagay na makakasakit sa kanya ha? Alagaan mo siya mahal, iparamdam mo sa kanya na mahal na mahal mo siya. Ayokong maramdaman niya rin yung sakit na nararamdaman ko, gusto ko makita ko kayong masaya dahil malapit ko na kayong makita na ikakasal na.