Huwag Muna

Please, ‘wag mo muna akong landiin, nag aaral ako
Marupok ang aking puso’t isipan
Baka ako’y mahulog sayo
Itigil mo na ang pagpaparamdam
At baka hindi ko mapigilan
Ika’y aking patulan
Iwasan mo na ang mabubulaklak mong kataga
Madali akong mapatid
At baka sayo’y madapa
Oh! Huwag mo akong titigan
Na para bang ako ang kalawakan
At baka ika’y aking maging sanlibutan
Huwag mo akong ngitian
Na parang ikaw ang tala ko sa kalingitan
Ang pagsulyap mo’y iwasan
Baka maghapon kitang matitigan
Lumayo-layo ka, sa init ng presensya mo
Tila nanlalambot ako

Pakiusap!
Sana’y iyong pagbigyan itong aking kahilingan
Hindi ko nais na tayo ay magkasakitan
Ang mga pahiwatig mo’y akin namang nararamdaman
Maniwala ka! Gustong-gusto rin kita
Sadyang kailangan ko munang pigilan
Itong bugso ng damdamin
Harapin ang reyalidad
Na napakarami pa nating kailangang ayosin
Mga prayoridad na kailangang katagpuin
Pangarap sa buhay na kailangang sungkitin

Sa ngayon, tayoy mag-aral muna
At kapag dumating na ang tinakda ng tadhana
Natagpuan na lahat ng akala
At parehas pa rin tayong malaya
Pangako, hindi na kita iiwasan pa
Hindi ko na palalampasin ang pagkakataon
Hindi magsasayang ni katiting na panahon
At sisiguraduhing akoy magiging sayo at ikay magiging akin

Published
Categorized as Waiting
Exit mobile version