I BELONG TO THOSE MARUPOK PEOPLE
“I will be in Bangkok next week.”
“Really? That’s good. Me too.”
“See you soon.”
Nabulag ata ako ng excitement nitong mga nakaraang linggo. Magkakahalo ang emosyon. Ang bilis ng mga pangyayari. Medyo may problema kasi ako sa aking mga emosyon. Madali kasi akong mahulog. Mababaw ang aking kaligayahan at marupok ang aking puso. Hindi maganda yun sa isang bente sais anyos na dalagang katulad ko.
Mabilis lang siguro akong mag-isip o baka naman nagmamadali lang ako. Bahala na. Ikwento ko na lang ang mga naramdaman ko at matitinding assumptions.
Nagkita kami ng kaibigan ko sa Bangkok, Thailand. May training sila noon at nagextend lang ng mga araw para mamasyal sa syudad na sumakto naman sa araw ng pagpunta ko. Masaya akong malaman yun kasi makakakita ako ng kaklase ko pamula pa ng akoy elementary. Sinong hindi masaya noon?
Nagpunta naman ako ng Bangkok dahil dun ang naisipan naming pasyalan para sa bakasyon naming mga guro. Sakto ba? Pwede kaming magkita. Alam mo yung wala lang naman yun sa akin. Matagal ko na siyang kaibigan pero dahil sa mga iniisip at kung ano anong gustong makuha ng puso, may mga nabuong ideya at emosyon na hindi naman dapat.
Iba sa pakiramdam. Masaya sa pakiramdam. Sana araw araw kong nararamdaman ang ganun. Mabait kasi siya. Hindi niya siguro napapansin na yung maliliit na bagay na nagagawa niya ay may points sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko noong nabasa ko na ang chat niya na “nakacap ako”. Alam mo yung ang laki na nang ngiti ko noong makita kong kumakaway siya. Ang saya sa pakiramdam. Tas pababa na ako nang hagdan at papalapit sa kanya. Madami naman kaming magkakasama at alam ko sa sarili ko na napakatotoo ko noong oras na yun pero masayang masaya talaga ako.
Hindi matapos ang kwentuhan naming dalawa. Para bang kahapon lang kaming magkasama. Ganoon nga siguro kung kababata mo. Masaya. Puro saya na hindi ko namamalayan binubudburan ko na pala ng maraming assumptions na wala naman siyang kamalay – malay. Hirap hindi lagyan nang puntos ang pagkagentleman niya. Bigla ko nalang naiisip, “Hindi ka ganito dati! Bakit ganyan ka na ngayon?!”
Ngumingiti ang mga mata niya, nagjojoke din siya paminsan – minsan. Tumatawa naman ako kahit corny at may mga seryoso din kaming usapan tungkol sa buhay. Ang gaan. Haaay. At lalo na noong pauwi na ako, hindi ko maipaliwanag. Hindi ko talaga maipaliwanag. Iba, parang may connection. O baka ako lang yun, ewan. Sa sobrang rupok ko pati yung “Magchat ka pag nasa bahay ka na.” binigyan ko na nang kahulugan.
Basta kung sino man ang pipiliin ng lalaking ito bilang kabiyak niya sa buhay, hay, sana ako na yun. HAHAHA
Biro lang.
Ganito siguro yun, namiss ko lang yung pakiramdam pero hindi naman talaga ako nakatingin sa ideya na pipiliin niya ako. Galing ko ano? May pagpili na nalalalaman. Hindi maganda yun, alam ko yun sa puso at isip ko. Masisira ang pagkakaibigan namin kapag nagkaganoon.
Ano na ang gagawin ko?
Pwede ko namang piliin na hindi na siya kulitin. Ang kulit ko kasi nitong mga nakaraang araw sa kanya. Update ako ng update. Di dapat ganun. Sana hindi niya napapansin. Sana.
Pipiliin ko na lang siguro na pahalagahan ang pagkakaibigan namin. Kung dumaan man ang panahon na makita na niya ang para sa kanya, nawa ang puso ko ay maayos na at hindi kagaya ngayon na puro assumptions pa.
Yun lamang po. Tapos na ang kwento ko. Maraming salamat.