Hi, you may call me Sophie, definitely not my real name. And this is my story of cheating, kung matatawag pa rin bang cheating yun. Pumasok ako sa isang relasyong Favorite topic sa Tulfo, ang Kumabit. Yes, I did but I regret it. Ang dami niyang down sides, ang daming mali. Ang hirap kase lagi kang takot. Takot kang makita ng real wife, friends ni real wife, friends ninyo ng guy, Family mo, and Friends mo. Yung mga naka panood na nung movie na ” Etiquette of Mistresses”, grabe sobrang accurate nun. You have to be always on guard everywhere you go. Hindi sayo ang buong attention niya, at most especially, hindi mo siya kayang ipaglantaran at ipagsigawan.
Let’s name my “cheater guy” Josh, again not his real name. Nagakakilala kami sa work. Superior ko siya and trainee niya ako. I see him as Kuya that I never had. Mabait, maalalahanin, marespeto, pero prangka. Hindi ko expected at hindi rin niya expected na ma fall sakin at ma fall ako sa kanya. Until, 1 unfortunate event na na lasing ako, hinatid niya ako pauwi, and he confessed by holding my hands. At first denial ako. Hello, may asawa na siya at papatol pa ba siya sa mas bata sa kanya? But yes, he did. Pumatol siya sa mas bata sa kanya kahit may asawa na siya. Baka mag tanong kayo why did he cheat sa asawa niya. Well he have 2 reasons;
1. Ang layo nila sa isa’t isa. He’s renting a room ni manila and His wife is in cavite.
2. His wife is her family’s breadwinner. At hindi maka alis si wife sa poder ng family niya for whatsoever reason.
Nagtagal kami for 3 years. Ang galing diba, natago namin yun ng ganun katagal. Fast forward in the year 2021. Yes, this year lang. Kinailangan kong samahan ang parent ko sa Mindanao. Retired na ka si siya at gusto na niyang mag settle down sa lupa nila doon. Kami pa ni Josh that time na umalis ako sa Manila, pero nag sabi na ako sa kanya na baka matagalan ako bumalik. He said he’s willing to wait and mag-aantay daw siya for 1 year. We never broke up kahit nasa Mindanao na ako. LDR kami kahit ayaw niya ng ganun. Ayaw niya kase na experience na niyang maiwanan dahil sa LDR sila.
Ako naman na nasa Mindanao, ay naging busy. Di na ko nakaka pag chats sa kanaya lagi, updates, or kamustahin man lang siya. Sobrang dalang ng usap namin, minsan totalling wala talaga. Until I got bored dahil busy din siya sa work niya sa Manila. Wala akong kausap and wala siya. So I go back to Tinder. Dun ka na meet si Patrick.
Si Patrick ang 1st guy na na meet ko simula nang bumalik ako sa pag gamit ng Tinder at nag meet kami talaga. Pumunta siya sa bahay namin at sinundo ako for a date. Nakilala siya ng parent ko at nang hingi siya ng permission to court me. Patrick didn’t know na may naiwan akong karelasyon sa Manila. At hindi ko ipina alam sa kanya yun. Wala rin akong balak sabihin kay Josh na may nanliligaw sakin doon sa Mindanao. Tuloy pa rin yung relasyon namin ni Josh kahit may nangyayari na samin ni Patrick. Wala pa kasi akong lakas ng loob na makipag break kay Josh that time. Hanggang nagka labuan na kami ni Josh, at naging official kami ni Patrick.
I don’t know kung cheating pa rin bang matatawag yung ginagawa ko? Kase technically yung relasyon namin ni Josh ay mali. At Sa mata ng iba, single pa din ako. Pero yun nga, may relasyon pa din kami. And Patrick is like a rebound. Kase sa kanya ko nakuha yung attention na hindi maibigay ni Josh sa akin kahit noong nasa Manila pa ako. Patrick became the way for me to get out of that wrong relationship. Matagal ko na ring gusto maki pag break kay Josh, dahil nga ang hirap talaga. And toxic na din yung relationship. Wala lang akong way out before kaya nang dumating si Patrick, wala nang dalawang isip, pinatulan ko na.
I just wanted help to confirm if cheating pa rin bang matatawag yung ginawa ko? That bothered me up until now. Thank you for answering and listening and reading to this post. Thank you so much!
Ps: I know a lot of you will judge, but I just want to share my experience para di na rin gawin ng iba. At maka tulong din sa ibang nasa same situation ko. I just also wanted you all to know that wala na kami ni Josh. And I’m happy now with Patrick. Legally and officially, kaya ko na siyang ipag sigawan at ipag malaki.