Ikaw ba ‘yung taong lapitin sa mga messed up? Sa mga taong depressed at suicidal? Kasi ako, oo.

Oo, lapitin ako ng mga messed up na tao. No’ng una, wala-wala lang sa’kin dahil lahat naman ng tao ay depressed (nasa tao na lang kung paano niya ito ihahandle) pero habang tumatagal ay napagtatanto ko ang pagkakaparehas nila simula nang makilala ako—at ‘yon ay ang inaayos nila ang kanilang sarili para sa’kin.

“Paano mo naman nasabi?”
“Baka coincidence lang ‘yon?”
“Kapal naman ng mukha nito. Ganda ka ‘te?”

Sabihin niyo nang makapal ang mukha ko pero ayon talaga ang totoo. Nito lang ay narealize ko na baka God’s will ang makilala nila ako para matulungan ko sila at nang sa gayon ay maisipan nilang ayusin ang kanilang sarili. Naisip ko rin na baka ako ang ginawang way ni God para maging maayos silang lahat. Nakakatuwa lang isipin na malaki ang naging magandang epekto ko sa buhay nila. Nakakalungkot dahil hindi ko na sila nakakausap ngayon, pero ayos lang naman dahil alam ko naman na masaya na sila sa buhay nila.

At sa tingin ko, ito ang purpose ng buhay ko. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako hinayaan ni God na kitilin ang sarili kong buhay no’ng mga panahon na sirang-sira ako. Ito ang dahilan kung bakit bumalik ang relationship ko kay God. Nakakatuwang isipin na ito ang purpose ng buhay ko.

Sa inyo na hindi pa nahahanap ang purpose niyo sa buhay, wait niyo lang dahil bigla-bigla niyo na lang ito malalaman. God bless you all!!