Iba’t Ibang Kulay ng Pag-Ibig
Categories Poetry

Iba’t Ibang Kulay ng Pag-Ibig

Ang Pag-Ibig isipin mo, Pag Inisip, Nasa puso
Pag Pinuso nasa Isip, Kaya’t hindi mo makuro
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo naglalaho
Layuan mo at ka’y lungkot, nananaghoy ang pagsuyo

May mga taong mag isang umiibig na walang tigil, sa silong ng sakdal dilim na piitan ng paggiliw, mayroon din nag alab na’t pati Mundo’y nalimutan, Pag-Ibig, Damdamin at Puso lamang. At may mga taong binigay ang lahat dahil doon nila pinapakita ang kanilang pag ibig na malaya.

Subalit ang Pag ibig ay puno ng iba’t-ibang Kulay, Sa bawat Kulay may mga ipinepresentang aspeto, aspeto kung paano umibig— kung malaya ba o hindi.

KULAY ITIM  para sa mga pusong kailangan nang umusad, lumabas mag isa sa dilim, na kailangang tanggapin na makakaya mo mag isa at Iwan ang mga pangakong kanyang isinalita.

KULAY LUNTIAN para sa mga pusong hindi alintana ang sakit na nararamdaman, na tao din lang naman na nasasaktan, nahihirapan at nag dadamdam. Na nais tanggapin, Mahalin at Pahalagahan.

KULAY ROSAS  para sa mga pusong pagka gulo-gulo. kung minsa’y baluktot, minsan nama’y wasto, bulag ang katulad na tila nalilito. Pusong hindi masabi ang tunay na pagkasi pagka’t ang damdamin ay laging napipipi.

Puti, KULAY PUTI Naman para sa mga pusong may mabuting intensyon, yung pusong umiibig na walang kundisyon. Na Malayang ipinapadama ang pag ibig na mayroon sila.

At Kulay Pula, para sa mga pusong buo na at handang umibig, umibig kahit mahirapan, umibig kahit Hindi maunawaan, umibig kahit ano man ang kahantungan at pipiliing umibig ng may kasiguraduhan.

Kaya bago magtapos ang tulang ito, Nawa matandaan nating ang mga tunay na kulay ng pag ibig, Sikaping nating sulyapan kung itim, luntian, kung kulay rosas, puti o pula, na nagpapakita ng ating Pag ibig na malaya.

Ikaw sang kulay ka?