Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal, mahal pa rin kita
Kahit akoy nadudurog na
Sa pagkakataon na ito ako’y susuko
Dahil wala na akong lugar sa puso mo

Ano ba ang dapat sundin?
Puso na sumisigaw na ika’y mahal pa rin
O utak na umaayaw na rin
Hindi malaman-laman ang gagawin

Ang sakit-sakit ng aking nararamdaman
Hindi alam ang tunay na dahilan
Mahal, mahal mo ba talaga ako?
O pinili mo lang ako kasi ako yung nandito?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Masakit isipin na siya na ang nilalaman ng iyong damdamin
Siya araw-araw and gusto mong makapiling
Siya yung taong gabi-gabi mong hinihiling
At sya yung taong sa Diyos mo laging panalangin

Saan ba ako lulugar sa puso mo?
Alam ko na hindi na ako yung babaeng gustong-gusto mo
Yung babaeng pinapangarap mo
At yung babaeng hanggang sa pagtanda kasama mo

Hindi ko lubos akalain na mawawala lahat sa akin
Hindi ako madamot at sakim
Kaya hinayaan na kita, kasi siya ang gusto mong mahalin
Kahit ang sakit-sakit para sa akin

Ikaw at siya ang itinadhana para sa isa’t-isa
Na sa lahat ng bagay magkasama
Masakit makita na kayong dalawa’y magkaakbay
At ang iyong ngiti ay walang humpay

At ngayon ko na napagtanto
Na ginawa lang akong instrumento
Para ika’y tumino, oras na para ako’y umalis na
Dahil kampante na akong makita na masaya ka na sa piling nya

Lahat ng sakit aking iindahin
Lugar na ito’y aking lilisanin
Ikaw parin ang mamahalin
At lahat ng ito’y ibubulong na lang sa hangin.

-mikarđź’”

Send me the best BW Tampal!

* indicates required