Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Iilang araw nalang!
Masayang samahan natin ay mapapalitan na ng kalungkutan
Mga landas nating pinagtagpo’y mapupunta sa hiwalayan
Iilang araw nalang!
Halakhakan,sigawan at tilihan ay mapapalitan na ng katahimikan
Nabuong pagkakaibigan ay mabubuwag nang tuluyan
Iilang araw nalang!
Iba na Ang makakasama sa tuwina
Panibagong mukha ang atin ng makakasalamuha
Panibagong kaklase na Ang ating makakasama
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Iilang araw nalang!
Maghihiwalay ang ating mga landas
Dadako na sa iba’t-ibang pantas
Pagkikita’y dina madalas
Iilang araw nalang!
Ala-alang nabuo sa silid aralan
Pagtutulungan at pagdadamayan
Sa isang saglit ay mawawakasan
Iilang araw nalang!
Classmates matatapos na,ngunit aking pabaon
Ang ating matamis at masayang kahapon
Nangangarap na ito’y inyong ibaon
Nawa’y ito’y huwag itapon.