Ikaw at ako
Categories Poetry

Ikaw at ako

Gusto ko man aminin sa kanya,
Kaso hindi pa tama
Mga pusong nagdududa, patuloy na nagluluksa sa nakaraang natamasa

Pinipilit mang itama ang mga mali, maging masaya ay hindi maaari
Sana’y muling pagbigyan,
pusong hiyang sa kaligayahan

Ikaw at ako ay pinagtagpo, hindi man natin parehong ginusto, pero ako sayo ay nahulog na ng buong buo, ewan ko, mismong sarili hindi maipaliwanag ito

Ang pagibig kong ito’y tunay,
Wag kang mag alala pagkat di na muling pang malulumbay,
Ako’y iyong magiging gabay,
Kahit anong landas man ang tahakin di ko bibitawan iyong kamay

Buhay mong akin muling bibigyan ng kulay, hanggang sa ako’y mamatay,
Ikaw lang at wala nang iba,
Mamahalin hanggang sa pagtanda

Walang halong biro o kalokohan, sana ito ay iyong paniwalaan,
Pagkat mga salitang pinili ko para sa tulang ito, ay ang tinitibok ng puso ko, itaga mo man sa bato

Ngunit, tila ang tadhana ay sadyang mapagbiro sa ating dalawa,
Laking gulat ko’y may dumating pang iba, nagpakita ng intensyon sayo, ako ay walang magawa
Kaibigan nga ba? O may ilalalim pa?
Inyong pagsasamahan tila nag iiba
Sa isip ko nga lang ba to? O totoo na?

Gusto ko man magbingi bingihan, hindi ko magawa, kapag nababanggit mo kanyang pangalan ako’y napapariwara
Di alam ang gagawin, di alam kung ano dapat sabihin.

Pero kapag siya ang pinili mo, siyempre ikaw sakin ay suportado,
Masakit man sa damdamin, ito ay aking ikikimkim, di ko sasabihin at di ko aaminin

Makita lang kita masaya, ay sapat na para saking mga mata.
Di bibigyang pansin itong pusong nagdadalamhati, masilayan lang ang iyong ngiti, siguradong lahat ng ito’y mapapawi

  1. Magpapakatanga sa taong napunta sa iba, sadyang nakakatawa ang tadhanang mapaglaro sa akin at kanya
    Akala ko’y siya na, hindi pa pala.