Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Hanggang ngayon
Patuloy ang pag-ikot
Mga katanungang wala pa ring sagot”

(Ikaw by Autotelic)

 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hanggang ngayon, ikaw pa rin.

Sa ‘twing nagtatama ang mga mata, nagbabalik ang mga ala-ala

‘Pag nasasalubong kita, bumabagal ang mundo

na tila tayo’y nasa isang pelikula

Ramdam mo rin ba?

Ang pagtibok ng puso para sa’yo?

Sa’twing ika’y nakikita, ako pa rin ay natataranta

Nakakatawa.

Pero mukhang malabo na

Kasi meron ka ng iba

Ako lang ba ang nakakaramdam ng paghila ng damdamin?

Siguro ako lang nga.

Sa simula pa lang naman ako lang ang nahulog

Ilang taon na ba?

Dalawang taon na ang nakakalipas

pero ang damdamin ko ay tila ‘di nag-iba

Gusto ko nang lumakad papalayo,

ngunit tayo’y muling pinagtagpo.

Hanggang kailan kita mamahalin?

 

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required