Unti-unting tumutulo ang luha
Hindi maintindihan ang nadarama
Unti-unting nilalamon ng lungkot
Mga nakaraang alaala ay sangkot
Saan nga ba nagkamali
Lahat ng pangako ay nabali
Hanggang doon na nga lang ba
O may hahantungan pang iba
Napapagod kakaisip
Inaakalang lahat ay kathang isip
Sabik sa mga salitang binitiwan
Ngunit sa bandang huli ay iniwan
Nagpapanggap lamang sa ngayon
Ngunit ang damdamin ay di naaayon
Ngumingiti’t tumatawa
Ngunit ang puso ay ngumangawa
Ilang buwan ka ng nagpapanggap
Puno ng saya kapag magkaharap
Hindi mapapansing ang mga mata’y may tinatago
Pighating simula nung iniwa’y hindi nagbago
Sasaya ka rin
Lalaya ka rin
Babalik ulit ang ningning
Sa mga matang parang nilikha ng sining