Ilang Hakbang na lang!

73

Hindi madali, pero kakayanin

Hindi mabilis, pero tatapusin

Hindi imposible, kung susubukan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ilang hakbang na lamang!

Sa bawat hakbang palayo sa iyo

Unti-unti akong nakakawala

Sa sakit at hapdi na nararamdaman

Pero paano na ang puso kong nagmamahal?

Luha na unti-unting pumapatak

Kabiguan at kasadlakan na nalagpasan

Sa haba ng hinantay at inabangan

Sa huli maiiwan din naman!

Kung hindi ngayon kailan?

Kung sa bawat umaga ako’y umaasa

Kung sa bawat panaginip nandiyan ka?

Saan ako lulugar, kung sa lahat ng dako nandoon ka?

Ilang hakbang na lang,

Kung hindi ako lilingon,
Tuluyan na ba kita malilimutan?

O lalo lang ako sa iyo ay magaabang?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required