Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Alam mo bang mahal kita noon pa.

Oo, ikaw ! Elementary tayo lagi mo akong binu-bully hindi ko alam kung trip mo lang akong asarin kasi pansin ko sakin ka lang ganun.

lagi na nga tayo binubuyo ng mga classmates natin na ” the more you hate, the more you love. ” kahit nasa dulo ka ng row 4 at ako ay nasa harap ng row 3 magpapa-abot ka pa ng small letter sa mga classmates natin para lang masabi mo yung pang-aasar mo sakin. sounds funny and makes me grind pagnaaalala ko yun. Pero mabait ako sayo pag-di mo ako inaasar, nagbibigay ako ng mga tokens sa mga classmates natin like chocolates,  gums or polboron sempre dahil nga mabait ako binibigyan din kita.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa uwian sasabayan mo pa ako para ano ? ipagpatuloy ang pang-aasar mo. hindi naman tayo super close pero naiinit talaga ang ulo ko sayo dahil araw-araw mo akong binu-bully.

Hanggang sa makagraduate na tayo ng Elementary. Yes! Highschooler na tayo at wala na din akong balita sayo kasi isa ka sa mga bad memories ko. On my freshmen year, okay naman ako new set of friends aral aral lang din naman. But when sophomore tear comes !!!! Sobrang nagulat ako kasi NANDOON KA SA SCHOOL ! Di ako nagpahalata na nakita kita, pero back in my mind bakit ka nandito ? anong ginagawa mo dito ? sana hindi kita classmate please………..

Bur suddenly when each names called ayun BOOM !!!!  CLASSMATES TAYO !

I really don’t know how to approach you that time, at kung meron mang nakakakilala sayo that time is AKO !

pero hindi ko magawa kasi nga diba naiinis nga ako sayo ! kasi BULLY KA noong elementary. Buti na lang meron tayo classmate din nung elementary na classmate din natin at alam kong close kayo kaya hinayaan ko na lang na kayo ang magkausap.

hindi kita pinapansin, I have set of friends and ayaw ko maging close tayo but suddenly change.

di ko sure kung di ka nagsusulat or sinasadya mo lang talaga na after class pupunta ka sa bahay namin para manghiram ng notes na may kasamang isang batalyong tropa hahahaha!!! what is that! hahahaha

anong magagawa ko kundi pahiramin ka kasi kung hindi, hindi ka aalis ng bahay namin.

pero kinabukasan pagkukunin ko na yung notes ko. biglang may sulat ka sa likod ng notebook ko!

so ano? nahihiya kang kausapin ako in person kaya sa notebook ko ikaw magsusulat ?

everyday mo na yung ginagawa ah, kaya in the end kinakausap na lang kita sa classroom para naman di awkward na magkakilala pala tayo pero di tayo nag-uusap.

3 months passed ! And Suddenly confess ” Gusto kita noon pa! ” back in my mind “Oo, gusto din kita noon pa kahit binu-bully mo ako.”And our love story started on, Yahoo Messenger! around 8am nasa computer shop na ako para makausap ka, video call pa nga. ano miss na miss lang ang isa’t-isa kahit magkikita naman tayo ng afternoon sa school ? meron pa nga tayong isang classmate na nagpapatulong pa sakin na maging close kayo kasi gusto ka nya pero di ko masabi na TAYO NA ! 😀

magkasama pa tayo sa fieldtrip, oo magkatabi tayo kasi wala namang choice. sa totoo lang nahihiya ako nun kasi ano bang tamang feeling ng may taong nagkakagusto sayo ? or tamang kasama mo the whole trip ? masaya naman tayo pero never tayo nagpicture together.

wala kong cellphone noon, kaya ang ginagawa mo ipapahiram mo sakin ung N70 mo. ( that time rich kid ka na pag-ganoon ang cellphone mo ) makikitext ka na lang sa kapatid mo para magkapag-usap tayo nagpupuyat pa nga ko noon kasi gusto ko talaga marinig ang boses mo.

okay naman tayo, papasok sa school tatabi sakin, hahawak ng kamay patago, magkasama sa recess, aral tapos uuwi na. ganoon lang ang routine natin, kaso medyo nagbago ka. lagi ka nagbibigay ng chocolate and teddybears sa mga classmates natin pero sakin hindi.

Iingitin pa ako ng mga yun kasi binigyan mo daw sila ako hindi, pero wala akong paki kasi hindi naman yun yung happiness ko. kaso biglang hindi na tayo nag-usap ? days passed hindi mo na din ako pinapansin. naalala ko pa may acquaintance party tayo, hahahaha OO ikaw ang first dance mo. Pagkakatanda ko hindi tayo okay noon kasi ilang araw mo na akong hindi pinapansin kaya itong kaibigan mo gumawa ng paraan para magkausap tayo. hindi naman tayo nag-uusap nagsasayaw lang tayo, Hindi ko alam kung tanda mo na na siya ang nagpicture satin ( first ever photo natin together )

after that, wala na ulit pansinin. walang natural na classmates na lang tayo sa classroom.

yung friend mo na nagkuha ng photo satin gusto talaga tayo maging okay, kaya nagset up na naman sya ng way para magkausap tayo.

kinulong nya tayo sa classroom after class para nga pag-usapan kung ano na ? pero walang nagwalk-out ka lang tapos ako ayun FIRST TIME UMIYAK 🙁 ang sakit kasi na hindi mo alam ang dahilan bakit hindi ka nya pinapansin.

hanggang sa mag-end na ang school year hindi na tayo nagkausap.

NO OFFICIAL BREAK UP. NO OFFICIAL CLOSURE !

eh ano ba kasi yun ? eh bata pa tayo noon ? hindi naman natin alam yung mga ganoon !

 

THIRD YEAR !

nagbago ako, oo totally change. natuto akong mag-inom, manigarilyo, mag-cutting classes at magjowa. I WANT TO TRY!

pero hindi para ipakita sayo na hindi ka kawalan. I change for myself. pero ikaw ayun kung sino sinong babae ang kasama. ewan pero naiinis talaga ako sayo! actually hindi inis, galit ako sayo….

sobrang maloko ako nung junior, kaya siguro pagdating ng senior year ayun napunta ako sa pinahuling section na di ko akalaing CLASSMATES ULIT TAYO, and the way may boyfriend na ako. pero ayaw ko i-broadcast kasi, bakit pa ?

pero itong talakerang kapitbahay na classmate natin biglang nagkwento na taga ibang school daw ang jowa ko. wala namang nakakaalam na mag-EX tayo sa batch natin kasi iba ibang section nama tayo noon, pero ewan, bakit at paano nila nalaman.

anyways. nakikisama naman ako ng maayos sayo, seatmates pa nga tayo. ayaw ko na din maging bitter kasi nalaman ko may nililigawan ka ng iba sa classroom at ano bang karapatan ko doon eh may boyfriend nga ako. kaya para tayong aso’t pusa noon lagi tayong nag-aaway. nagseselos na nga yung boyfriend ko kasi lagi tayo nag-aaway pero lagi naman tayo magkasama kahit sa mga group activities ? kagigil mode. kaya itong si current jowa akala nya nagloloko ako 🙁

after 2 yrs birthday mo na. di ko alam bakit ako biglang sinundo ng mga friends natin bigla akong sinama kahit di nama tayo okay. pero for the sake na birthday mo nga sumama na lang ako ( MABAIT NA KASI AKO )

then after that hindi na tayo nagkausap, ulit. Nakagraduate na ako ng college and looking for a job at ayun BROKEN HEARTED sa 5yrs relationship. 🙁 2015, ilang months din bago ako nakahanap ng matinong work at hindi related sa course ko. ginawa ko lahat ng bagay na hindi ko nagawa noong kasama ko ang ex ko. nagwalwal talaga ako, kung sino sino kasama mag-inom inuumaga na kung umuwi.

I got invited sa isang party na kasama yung mga nakakasama ko din mag-inom at BOOM mga chismosong lalaki ang nandoon at sinabi sakin na may kwento daw itong si birthday boy sa kanila na may nangyari daw samin ? Back in my mind ! HOLY SHIT nakikipag-inuman ako pero walang ganun 🙁 saklap may mga ganoon pala talagang lalaki.

AT IN THE MIDDLE OF THAT CONVERSATION !

bigla kang dumating doon ? pinansin mo ako at tinanong anong ginagawa ko doon ? nagreason out ako na gusto ko mag-CR para makaalis doon sa lugar na yun kasi suck!!!!!! parang gusto kong bumuka ang lupa at kainin ako !!

then doon ako sa bahay nyo tumambay kasi ayaw ko na bumalik doon, I feel like ang sasama nilang tao. totoo pa yung mga ganoon na gagawan ka ng kwento ng mga masasamang lalaki kahit nakikisama ka ng maayos. after a few hour nakaiglip ako dahil na din siguro sa kalasingan and suddenly had that KISS.

pero I stop kasi alam kong mali, alam ko may girlfriend ka noon kaya I decided to leave at hindi na din tayo ulit nagkita at nag-usap, nag-unfriend ako sa fb at ig para hindi na tayo magkausap talaga! Cause I’m not expecting anything from you, na baka bumalik yung feelings mo sakin after that!

after this incident nagkaroon naman din ako ng boyfriend pero hindi rin nagtagal, napapagod na din siguro ako makakilala ng tao.

 

AND HERE AGAIN AFTER 6 YEARS !

bigla kang lumitaw sa labas ng bahay namin, na hindi ko inaakala. ginamit mo pa ang friend natin para mapalabas ako ng bahay dahil alam na alam mo na hindi ako lalabas pag ikaw ang nagsabi na nandoon ka. alam mo sa sarili mo na nilayo ko ang loob ko sayo 🙁

( 4 years akong single and I know ready na ako to takre resposibility at mature na din mag-isip. )

that night, halos ayaw mo na matapos ang pag-uusap natin 4am na pero gusto mo pa ding mag-usap tayo kasi nga ang tagal nating walang balita sa isa’t-isa.

gigil ka pa ngang i-ADD ulit ako sa FB at ifollow sa IG. almost everyday na kami magkausap, tapos magpaparamdam pa na baka nga kami sa future, kung ilang kids ang gusto mga ganong level of conversation. Nasabi ko na pa nga na ” BAKA THIS YEAR OR EARLY NEXT YEAR MAG-SETTLE NA AKO” ! hindi ko tinutukoy na ikaw yun pero ready naman na ako.

Nakatulugan pa sa videocall kasi parehas tayong pagod sa work, todo reply ka pa sa mga stories ko. Ang pinakamalupit hahahaha, ayaw ko magcelebrate ng birthday pero decided ka na pumunta kahit di ka naman invited hahaha, sa tanang buhay ko di ako nag-imbita ng bista pagbirthday ko pero dahil special ka ng mga oras na ito sige goooooo,

nagrequest ka pa ng lumpia at pansit, tapos nahihiya ka pang kumain ng ibang handa. ang sabi mo pa ” AKALA KO IPAPAKILALA MO NA AKO?” ang tanong paano? anong sasabihin ko ? kahit ako napaisip, ” Oo nga naman pano kita ipapakilala, anong sasabihin ko sa kanila? ”

kilala ka nila as childhood sweetheart ko pero hindi in the sense na BOYFRIEND kita :(, on that part nalungkot ako. Kasi wala tayong label, oo naging tayo NOON pero iba na ngayon hindi na tayo mga bata na hindi alam ang mga desisyon sa buhay. In my part kaya ko na ulit magmahal, kaya ko na ulit mag-open up sa taong mahal ko, kaya ko na ulit buksan ang puso ko pero ikaw ?

Ikaw ? bigla kang nagbago, biglang ayaw mo na, biglang hindi na pwede.

nag-usap tayo na nagbago ang priorities mo which in the first place alam ko naman FAMILY, SARILI MO! gusto mong bumawi sa kanila after all the years na naging pasaway ka. hindi ako nag-eexpect sayo ng sobrang laki, sa totoo lang ang sakin lang maging safe ka sa pagpasok mo at nakakauwi ka ng maayos okay na ako doon.

Baka kasi naging demanding din ako sayo sa mga oras na O.T  ka sa work tapos need mo pa akong tawagan para makausap halos nakapikit ka na nga tapos ako daldal pa ng daldal. baka akala mo nagagalit ako sa part na yun, baka akala mo hindi ka magiging enough, baka kulang yung effort mo para maparamdam sakin na mahalaga ako.

ayan ang mga point na nagtrigger sayo to end up this, kahit hindi pa tayo nag-uumpisa.

MAHAL KITA PERO MAS PINILI MONG SUMUKO AGAD KASI AKALA MO HINDI KA ENOUGH.

ang huling tanong mo pa sakin, ” gusto mo pa din ako kahit ang gulo ng buhay ko ? ”

May last words is ” Matagal ko ng alam na magulo ka, nag-eeffort ka namang maayos, Your doing great! ” mamahalin na lang kita on my own, hindi ko na ipapaalam sayo na kung gaano kita kamahal at higit sa lahat mamahalin ko lalo ang sarili ko.

ayos lang, I LET YOU GO. ! hahayan ko na lang na panahon ang magtakda ng oras para sa ating dalawa. 🙁 sabi mo nga 4-5yrs baka pwede na pero hindi kita aantayin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required