Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Bata pa lang ako, sabi nila na ang gawain ni Jemerlyn ay NO-NO for a girl. Ewan ko ba kung bakit masyado kong nasunod yung guidebook ni lola at bente uno na ako gumaya kay Jemerlyn. Nag last minute date sa bayan bago umalis papunta ng Maynila; nilasing ang sarili bago umamin sa crush niya; umamin sa bestfriend, na-basted;  dahil sa isang wave ayun na ghost; Quota na ako at malamang kung buhay si Lola nakurot na niya ako sa sinngit. Tama naman siya, “Ang isang binibini ay sinusuyo, nililigawan at hindi naghahabol.” Sumablay ako dun sa habol na part. Masyado akong nadala sa “you only live once” and “no regrets”. Naubos ko na yung PRIDE chicken ko para kay Juan na walang ginawa kundi     i-reject lahat ng proposals ko. Sa dinami dami ng pag ekis mo Juan, hahanapin pa ba kita? Sa totoo lang napapagod na ako. Kung ayaw mo magpakita, edi don’t. Pareho tayong forever alone at maghihimutok sa boiling waters dahil cactus ka!

Pero ito yung pero ko. Just in case na madapa ako sa harap mo (di na yun scripted, literal na lampa talaga ako),  sana pareho na tayong mature mag-isip. Wala ng masyadong paligoy-ligoy. Brave enough to say our intentions and insights. Mas okay na akong makahanap ng Juan na kaibigan kaysa sa sinumpang Juan dahil ghoster siya. Pagod na akong maging ghostbuster, kaya please lang awat na. Uy Juan! Sa susunod with feelings na ah-yung genuine na.