Isang dalagang Pilipina,
yan ang taguri nila.
Palabas labas ng dila,
pacute nang pacute sa social media.
Ang pamantayan ay binaba,
para lang mapansin ng madla,
mapagtawanan, malike at mashare ng iba,
sikat daw kung tawagin nila.
Pero bakit ganun? puso ko’y nangamba,
isipan ko’y nagtataka,
ganito ba ang tunay na pagkakakilala sa isang tunay na dalagang Pilipina?

Binalikan ko ang istorya,
Nakita ko si Melchora, suot-suot ang kimona,
Hawak ay medisina, para sa mga nasugatan sa gyera.
Natagpuan ko si Gabriela,
Sumisigaw ng paglaya,
Tabak ang hawak, tapang ang sandata.
Mga Pilipinang nangahas upang kalayaan ng Pilipinas ay maipinta.
Nakita ko rin ang isang dalaga,
Sa bintana’y hinaharana.
Sa magulang ay hiningi upang ang kamay ay makamit ng binata.
Isang babaeng mataas ang pamantayan,
Hinahangaan at pinaglalaban.
Hindi binabasta basta ng mga lalaking sa buhay nya’y dadaan.
Mga babaeng di nagaaalinlangan,
Kapag tama ang pinaglalaban.

Kaya kung ngayon video ay napost na,
upang sa facebook ay magviral ka,
Balik tanawan mo ang mga Pilipina,
matanda man o dalaga,
tapang at pagibig ang sa kanila’y nagpapaganda.
Isang “yeah” naman jan para sa kanila.