Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ilang taong nagdasal na sana sa huli ay sayo ako mapupunta
Ilang taong umiyak dahil gusto mo noon ay iba
Ilang taong tinago ang nararamdaman
Na sana noon pa ay akin ng pinigilan at winakasan.

Sana.
Pero pinili ko parin ang ibigin ka.
Oo, pinili kita at pipiliin kita.

Andami ng nangyari
Nagbago na ang maraming bagay
Iba kana, iba narin ako
Unti-unti na tayong nabubuo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero hindi parin nawawala ang dating tayo
Masaya kahit na may kinakaharap na problema
Araw-araw tayong nagiging malakas
Hindi nagpapatinag ano man ang tatahaking landas

Hindi ko alam kung nag iba narin ba ang iyong mga gusto
Hindi ko alam kung may puwang naba ako sa puso mo
Kung nakikita mo na ba’ko
O di parin ba malinaw ang mga mata mo

Sinubukang lumapit sayo kasi baka nearsighted ka
Pero hindi mo ako nakita
Sinubukan ko na ring lumayo
Nagbabakasakaling farsighted ka nga lang talaga
At sa wakas…

Ngunit sa kaka tantsa ko ay natisod ako
At naalog kaunti ang aking ulo
Natauhan at naliwanagan
Hindi pa pala ako handa sa ganito

Alam kong unti-unti na tayong nabubuo
Subalit andami ko pa palang dapat ayusin
Mga bagay na dapat munang pag tuonan ng pansin
Yung hindi lang ikaw ang nakikita ko sa aking nabasag na salamin

Aatras na muna.
Hindi pa ako handa sa gyera.
Pero huwag kang mag-alala
Hindi naman ako titigil na ipagdasal ka. Tayo.

Mag tatagpo din ang kamay ng orasan.
Yung handang handa ka na
At handang handa na rin ako.
Sa ngayon, distansya at dasal na muna tayo.

Alam kong maganda ang kalalabasan nito
Makinig lang tayo kay Kristo
At sa mga taong sa atin ay nauna.
Sigurado na ‘ko sayo pero hindi pa ako handa.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required