Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

May girlfriend na siya

Mga katagang ayaw kong marinig, makita o mabasa. Dahil aminin man natin o hindi masakit ito. Pero hindi ba mas nakakatawa kung nasasaktan ka, pero hindi naman naging kayo. Hindi naman kayo umabot sa ganong level. Mukhang timang di ba? Nakakatawa pero sobrang sakit. Kasi umasa ka na hindi siya mawawala. Umasa ka na ikaw lang yung magugustuhan niya. Umasa ka na sana maging kayo. Kaso wala eh, hindi umabot sa puntong yun. Pinagtagpo pero hindi itinadhana. Ang saklap, ang sakit. Kasi hindi rin naman niya alam na nasasaktan ka. Hindi niya alam na umaasa kang maging kayo. Hindi niya alam na nahulog ka na pala. Hindi niya alam na mahal mo na pala siya. Kasi wala naman kayong label. Hindi mo rin naman kasi nilinaw. Ayan tuloy, nung umalis, nasaktan ka. Nung hindi na nag-paramdam, para kang nakipag-break. Nag momove on ka, hindi naman naging kayo. Mas mahirap tuloy, kasi una palang, wala ka namang pinang-hawakan. Wala naman siyang pinangako. Kumapit ka lang, kasi masaya naman kayo sa isa’t-isa. Kumapit ka kasi pakiramdam mo pareho kayo ng nararamdaman. Kumapit ka at  nag-bakasakali na baka pwedeng maging kayo. Kaso nakalimutan mo may hangganan ang mga bagay na hindi binibigyan ng label.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required