Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Okay ka na ba? Nandito pa rin ako. Nag-iintay na humupa ang mga katanungang bumabagabag sa isip mo. Handa akong tulungan ka kahit gaano man ka-toxic ang buhay. Lalaban tayo gaya ng paglaban natin sa virus. Lagi mong tatandaan nandito lang ako. Iintayin ko matapos ang duty mo kahit mapuyat ako basta sabay tayong matutulog. Pag may rants ka sa duty mo o sa buhay mo sabihin mo lang sakin. Handa akong makinig. Naiintindihan kita. Alam kong napapagod ka. Pero di ba sabi mo nga sakin di mo kayang iwan ang propesyong pinaghirapan mong maabot. Kasi mahal mo ang pagiging nurse. Nandyan ka na. At may gusto ka pang abutin at gusto ko sa pag-abot mo nun kasama  mo na ko. Wag kang magpakain sa sistema at katagang wala kang kwenta. Dahil di lang para sakin kundi para saming lahat “may kwenta ka”. “Mahalaga ka!” Kundi dahil sayo, sa inyong mga frontliner di kami makakasurvive during this time. Always remember, “You are enough. A million times enough.”

Send me the best BW Tampal!

* indicates required