Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

My ex classmate

Kung babalikan natin lahat ng nangyari sa nakaraan
di mo maiisip na totoo ang nangyayari sa kasalukuyan

Di ko lubos maisip kung paano nangyari
wala pang isang taon pero ang bilis ng mga pangyayari

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Lumagapak sa unang hakbang
linggo lamang ang pumagitan
pero malaki ang natutunan

Hanggang sa buwan ang lumipas
bumalik sa dating dinaanan

alam ko na mayroong bubog,
pero lakas loob parin akong humakbang

Wala din sa wisyo kung ano ba ang naging dahilan
kung bakit ang tapang ko’y muling sinubukan

Ngayon,
Inaaral muli ang sarili at ikaw

sabi ko pa nuon malabong mangyari
di ako mailalathala sa libro mo
na ako’y iyong pwedeng matipuhan

malayo sa isip ko ang bagay na posible palang mangyari
pero isa lang ang napatunayan ko

pareho na tayong dumaan sa madilim na nakaraan
sumusubok ulit sa panibagong pahina ng ating kasalukuyan

di ko masasabing magkaparehas tayo
wala akong pwedeng isigurado pagdating sa tulad mo
pero OO ,tunay ngang masaya naman ako

Salamat kasi kahit alam kong
itinuring akong gago sa nakaraan ko
Wala kang ibang nasabing masama
sa pagiging tao ko sayo ngayon.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required