Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

Kaya ko nang mag isa
Ang lungkot ay napawi na
Ang ala ala ay linimot na
Pati ang sakit na iyong dinala

Kaya ko nang matulog ng mahimbing
Kahit di ka kayakap at kapiling
Kaya ko nang lumakad pasulong
Ako’y nakalaya na sa pagkakakulong

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kaya ko nang muling tumawa
Kahit hindi ikaw ang kasama
Kaya ko nang maging masaya
Nang dika na iniisip pa

Kaya ko nang tumayo ulit
Wala na ang mga hapdi at pait
Sa nakaraan ay dina nakakapit
Sarili ko’y hindi na ipipilit

Kaya ko nang muling magsimula
Kaya ko nang tuluyang kumawala
Kaya ko ng mag muling mag isa
Tulad noon, nang dipa kita nakikilala…
Kaya kona pala…

Send me the best BW Tampal!

* indicates required