Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tinatangi kita!
Sa dami ng mga taong nakilala
Nag iisa ka.
Nag iisa ka na syang hinahanap ng mga mata.
Nag iisa ka na ninanais na makasama.
Tinatangi kita.
Sa pagkakataon na di mo makita ang iyong halaga.
Tinatangi kita.
Sa pagkakataong pakiramdam mo mundo’y iniwan kana.
Tinatangi kita.
Katulad ng buwan Sayo lang nakatuon aking mga mata.
Tinatangi kita.
Katulad ng Araw na syang liwanag sa mundong puno ng dusa.
Tinatangi kita!
Kahit pa sa pagkakataong ito hindi ako ang iyong nais makasama.
-Luna

Send me the best BW Tampal!

* indicates required