Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mula sa biruan
Hangang sa nagkaroon ng Malanding Ugnayan
At di namalayan, may puso na pa lang nahuhulog ng dahandahaan
May namuong pag-ibig na di inasahan
Mundong malungkot ay biglang nakulayan
Ngunit, ang lahat ay may hanganan
Bigla ka na lang di nagparamdam
Ako’y napaisip kung meron ba akong kasalanan
Umalis ka na di man lang nagpaalam
Kung kaya’t puso ngayon ay nasasaktan
Isip ay naguguluhan
May mga tanong sana ako na gustong masagutan
Mga alaala’y pilit binabalikan
Bagamat ang lahat ay hangang doon na lamang
Ngayon ako’y pilit na bumabangon mula sa sakit ng nakaraan
Salamat sa sandaling hiram
At ako’y maraming natutunan
Ako man ay nasaktan
Pero di ko isusuko ang laban
Babangon at magpapatuloy pagka’t magandang kinabukasan sa akin ay nakalaan

Send me the best BW Tampal!

* indicates required