Alam mo ba nasasaktan din ako, nung mga time na dami kong tanong bakit pinili mo umalis kesa pagusapan, or sabihin sakin yung side mo. Kung bakit,ganun kadali mo akong binitawan. Kung bakit ganun mo ako kabilis pabayaan. I tried to reach you out, pero wala. Di mo sinagot noon. But I forgave you, kahit nasasaktan ako. Still I keep it to myself, just to keep you. Dumating siya sayo, bigla mo nalang akong nakalimutan. Nakalimutan na parang naging anino nalang ako sayo, na parang wala lang nangyari. Sorry If I love you so much. Kahit alam kong mahal mo siya, andito ako di kita iniiwan. Kasi alam ko yung pakiramdam ng maiwan, alam ko yung pakiramdam ng mag-isa. Kaya kahit nasasaktan ako, hinding hindi kita iiwan. Handa akong pakinggan ka sa lahat ng bagay, maging anjan para sayo kahit di ako yung hinahanap at kailangan mo. Nagtatanong ka bakit di kita maiwan? Kaya kitang iwan. Kaya kitang balewalain, pero mahal kita, sobra. Na willing akong magtiis sa lahat, maramdaman mo lang na worth it kang mahalin na kung kaya mo mahalin siya ng ganun, ikaw din kaya kang mahalin ng higit pa sa binibigay mo. Hindi mo nakikita at napapansin, kasi palagi ka nakatingin sa ibang bagay. Lagi kang naghahanap, sa ibang bagay. Kinalimutan mo man na ako, andito pa din ako para sayo.

Kahit di mo alam, kung gaano kita kamahal.