Kaibigan ko, Kaya Pala..

96

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Maraming beses nang naitanong
Sa isip ko’y di na maikulong
Ang iyong mga salita at aksyon
Sa akin tila ba may ibang layon

Hanggang araw ay dumating nga
Kinausap at ika’y nagtapat na
Intensyon sinabi habang lumuluha
Buong pusong nakinig sa iyong mga salita

Kaya pala..
Kaibigan ko, kaya pala..

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kaya pala ganoon na lamang ang iyong mga kilos at gawa. 
Tuwing kailanga’y mabilis pa sa usa.
Sa biglaang paghatid tiyak maasahan ka.
Kaya pala..

Kaya pala atensyon mo sa akin hindi nawala.
Laging bungad ay magandang umaga
Sa gabi’y pagpupuyat nais iwasan na.
Kaya pala..

Kaya pala noong nagkasakit todo alaga,
Hindi ba’t gamot at inumin iyo pang ipinagtimpla?
Sa tuwing nanghihina, bigay mo’y lakas at pag-asa
Kaya pala..

Kaya pala sa tuwing may tatapusin
Ang samahan ako’y  iyong naisin
Hindi alintana kahit ika’ y mapuyat rin
Kaya pala…

Kaya pala pag uudyok ganoon na lamang,
Mga gawaing bahay ay aking pag aralan
Sabi mo pa nga ito’y para sa aking kabutihan
Kaya pala..

Kaya pala ilang buwan ika’y nag iba
Nanahimik at sa akin umiwas ka
Damdamin ay sinupil at sinigurado pala
Heto, napatunayang tunay nga.

At ngayon tayo’y magkaharap na..
Binibigyan linaw mga kaganapan sa ating dalawa
Sa iyo pala ako’y higit sa kaibigan na
Kaibigan ko, kaya pala..

Buong tapang mong inihayag,
Saloobin mo’y ipinaliwanag.
Sa madalian ay hindi ka payag
Maghahanda upang puso’y hindi mabasag

Hindi ipipilit hanggang di pa panahon
Hindi uunahan ang plano ng Panginoon
Mga oras sa Kanya pa rin itutuon
Matiyagang maghihintay hanggang dumating araw na iyon

Kaibigan ko , kaya pala
Dalangin ng puso ko’y pumanatag ka
Sapagkat hindi ako, kundi Siya ang kukumpleto sa tuwina
Mangyari nawa, kung ito’y kalooban Niya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required