Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hoy bata! Pag-ibig dapat di minamadali

Kahit ang rason mo pa buhay ay maikli

Na dapat sulitin ang bawat sandali

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sige ka, baka ika’y masaktan sa huli

 

Pag-ibig ay may tamang panahon

Dadating din na ika’y may pagkakataon

Kaya mag-aral ka muna sa ngayon

Gawin mo lang muna siyang inspirasyon

 

Pagiging bata ay masaya

Na dapat sulitin, dahil di na mauulit pa

Huwag kang susunod sa uso gaya ng iba

Matutong makinig sa magulang, dahil sila’y nakakaalam ng tama

 

Pag-ibig ay di masama

Pero unahin mo muna ang iyong diploma

Maging magkaibigan muna

Dahil doon mo siya mas makikilala

Mas masarap buksan ang regalo kapag dumaan sa proseso diba?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required