“Sa Aking Mahal na Asawa”
Categories Poetry

“Sa Aking Mahal na Asawa”

 

Nakadungaw sa bintana, mata’y nakagala
Diwa ko’y nabigla, may nahulog na tala
Napatigil ang oras, namangha’t natulala
Puso’y suminta, sa diwatang mahiwaga

Nabaliw ang isip, puso ‘ko’y nataranta
Sumipa ang dibdib, tumalon sa kanya
“Di ko pa nga siya kilala, ako’y nakatali na
‘No pa kaya kung, maging Asawa ko na siya?

Sa pagpikit ng mata, ‘kaw agad ang nakikita
Maging sa panaginip, lagi tayong magkasama
Lumipas ang mga araw, dumaan ang gabi
Ako’y naiinip na, kailan ko ito masasabe?

Sa susunod na buwan, ay aking sisimulan
Pagpapahiwatig ng, aking nararamdaman
Unang araw ng ligaw, sobra mong seryuso
Heto naman si Gago, linya’y mala-simpatiko

Papatagin ko, malawak na kabundokan
Sisisirin ko, ang perlas ng dagat-Silangan
Pipiliin ko, makislap na tala ng kalangitan
At Iaalay ko pati narin ang aking Kaharian

Gayun na nga, ika’y nahulog at ako’y inibig
Ika’y lumuluha, habang sa aki’y nakatitig
Sa Hukom nanumpa, na tayo lang dalawa
Sa Hirap at saya, di ka iiwanang mag-isa.

#mykindofpoetry
#❤❤❤
#photo of me and my wife

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *