Kailan mo masasabing tama na?
Categories Relationships

Kailan mo masasabing tama na?

Naranasan mo na bang magkagusto o ma-inlove sa taong alam mo namang hindi maaaring maging sa’yo, at alam mo namang hindi ka kahit kailan magugustuhan? Sabihin na nating oo, maaari, pwede, o kaya madalas.


Madalas tayong magkagusto o ma-inlove sa taong hindi naman tayo gusto. Bakit kaya? Siguro dahil feeling natin may thrill? Siguro dahil minsan yung taong gusto natin ay may gusto na ring iba? Siguro dahil yung taong gusto natin ay nasaktan na ng ilang beses, at ayaw na muling sumubok magmahal? Baka isa dyan ang rason, pero hindi ba ang hirap magkagusto sa taong hindi ka naman gusto. 


Ginagawa mo naman ang lahat. Nag-eeffort ka, kinakausap mo siya lagi, pinapasaya mo siya. Pero bakit parang ang imposible pa rin? Bakit hindi ka pa rin niya gusto? Kailan mo ba masasabing tama na? Tama na ang pagpapakatanga, at pag-asang baka pwede pa.


Kapag yung messages mo delivered zone na lang, nahiya pa siyang i-seen dahil alam niyang kapag na-seen niya, kailangan niyang magreply. Tama na.


Kapag umiikot na sa kanya ang mundo mo, please pigilan mo. Dahil kapag ang mundo mo ay umikot na sa isang taong may ibang mundo, kaawa ka, walang matitira sa’yo.  

Kapag ang haba-haba ng chat mo sa kanya, pagkatapos nagre-react lang siya o kaya naman nagse-send lang ng stickers, naku tama na. Hindi ‘yan interesado sa mga sinasabi mo.


Kapag sa mga posts niya may tina-tag siyang ibang tao. Tapos madalas magreact sa post niya. Alam ko ‘yang mga ganyan, gusto nila isa’t-isa, kaya tigilan mo na.


Kapag wala siyang pakialam sa’yo, sa mga sinasabi mo, sa mga post mo, sa mga rant mo sa buhay, at sa kung anong nararamdaman mo sa kanya. Sumuko ka na.


Darating ka sa point na isang araw paggising mo mare-realize mo na wag na siyang kausapin dahil wala namang pupuntahan, tigilan na ang pagpapansin sa kanya, at pagpo-post ng kung anu-anong meme sa facebook na patama mo para sa kanya, na hindi naman niya pinapansin dahil wala siyang pakialam sa’yo. Ikaw mismo, maaawa ka sa sarili mo.


Swear, maniwala ka sa’kin darating ‘yan. 


Oo, mahirap magkagusto o ma-inlove sa taong hindi pareho ang nararamdaman sa’yo, pero may hangganan lahat. It’s not wrong to pursue someone you like, babae ka man o lalaki, dapat lang lagi mong isipin na deserve mong maramdaman din yung love na ibinibigay mo sa  ibang tao.

Before loving someone, you should know when to stop giving all of you to the wrong person.