Kailap mo naman
Categories Waiting

Kailap mo naman

 

Di naman talaga ako gala, kung san san lang talaga napapadpad. Marami rami na din akong napupuntahan pero. . . . . di pa rin kita natatagpuan. Meron na rin akong mga nakilala at ang akala ko ikaw na yun pero hindi pa rin pala. Marami rami na rin akong hugot na naiipon, dahil nga akala ko sa mga nakilala ko ay isa ka na doon, pero hindi pa rin pala. Mali nanaman pala. May ilan ilan na din nagtatanong at nagsasabi na “kailan ba?”, “katagal naman”, “nagkakaedad ka na, di ka ba nanghihinayang sa panahon” pero sabi ko lang “mas nakakahinayang kung yung oras, panahon at atensyon ay maibibigay ko sa maling tao”. Sa ngayon, sinusubukan kong pinipigilan ang sarili ko na mapunta sa iba, hindi sa natatakot akong magkamali ulit at madagdagan nanaman yung ipon kong hugot, iniiwasan ko lang na ibigay ang sarili sa maling tao, kasi baka pag tama na yung panahon at dumating ka, baka wala nang natira sakin at wala na akong maibigay para sayo. Mahirap din, pero yun yung kailangan. Ayoko namang sapilitang pitasin ang bungang hindi pa tama ang pagkakahinog, di naman din ako natatakot na baka may ibang makapitas non dahil sa dinami rami ng bunga na yon, alam ko na isa doon ay ang ipagkakaloob ng Diyos para sakin. Gusto ko lang sabihin na mailap ka man sa aking paningin, wag magalala dahil akoy maghihintay lang din.