Kalayaan
Categories Relationships

Kalayaan

Pagpupugay sa mga tunay na malaya;

alam mo ang iyong tunay na halaga.

 

Pagpupugay sa mga pinalaya;

iyong dibdib ay makakahinga na ng maluwang.

 

Pagupugay sa mga magpapalaya;

kanilang mga kamay ay maari mo ng bitawan.

 

Pagpupugay sa mga susubukang lumaya;

ito ang unang hakbang.

 

Pagpupugay sa ating lahat;

hagkan ang kalayaan.