Pahinga

362

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.


Sa mga oras na pagod na ako
Ipinapaalala mo kung bakit ako naririto
Patuloy na tumatayo, patuloy na lumalaban
hindi para sakin, kundi para sayo
minsa’y nakakalimutan ko na hindi ako naririto para lang sa sarili ko
Kundi naririto ako para rin sa mga taong mahal mo.

Oo, nakakapagod ang mga hinaing dito sa mundo
Minsa’y gusto mo nalang magtago o tumakbo
Punta dito, punta doon. Subok dito, subok doon.

Pero hindi ko napansin,
Ako’y paikot ikot pa rin
Ngunit ng ako’y lumuhod
Ang luha’y biglang tumulo
At nagsasabing ‘Ama, pagod na po ako sa mundong to.’

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Dun nagsimula kong makita at maranasan
Hindi mo kailangan makipagtaguan
Hindi mo kailangan tumakbo
Hindi mo kailangan magpanggap
Pero niyakap niya ako ng mahigpit
Sinabing ‘Andito lang ako anak, mahal kita.’
Dun ko nahanap ang kapayapaan sa maingay kong mundo
Dun ko nakita ang pagmamahal na hinahanap ko hanggang dulo.








Send me the best BW Tampal!

* indicates required