Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

There will be a time in your life na mapapasabi ka nalang sa sarili mo na “Sana ako nalang”
Meron kang tanging tao na gusto na alam mo na imposibleng mapasayo dahil may mahal na siyang iba, na masasabi mo sa sarili mo na “sana, ako nalang yung mahal niya”, na sana ako yung nakayakap sa kanya, na sana ako yung katabi niya palagi, na sana ako yung nag papasaya sa kanya.
Nag simula ang lahat sa pagkakaibigan na di matumbasan ang dalang saya nito sa iyo, sa una ang ganda ng pakikitungo nya sayo na tipong sobrang close nyo sa isat isa, nag oopen siya sayo ng mga likes and dislikes nya at dahil marufowk ka! Nafall ka sa di mo alam na kadahilanan.

At dito magsisimula ang 5 Asado moments na mararamdaman mo raw araw,

Asado #1- mageeffort ka, lahat gagawin mo mapasaya lng siya dahil special siya sayo, pero ang tingin nya sayo kaibigan lang, DAHIL MAY IBA SIYANG MAHAL!

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Asado #2 – Pag may problema siya, isang message nya lang sayo at miscall andyan ka lagi para sa kanya. DAHIL ALAM NYANG KAIBIGAN KA NYA! Ngunit subalit datapwat, MAY IBA SIYANG MAHAL!

Asado #3 – Tinry mo ipakita sa kanya na special siya, as in yung super care ka sa kanya (baka sakaling ma-fall), pag may kelangan siya, pag birthday nya, pag in-love na in-love sya (pero di sayo), pag nag away sila ng jowa niya andyan ka para damayan siya kahit ang sakit sakit na. You were always there as a shoulder to lean on, pero kaibigan ka lang nya, DAHIL MAY IBA SIYANG MAHAL!

Asado #4 – Pinilit mo lumayo to move away from the conflict na posibleng mangyare, pero di mo kaya kasi marupok ka. Dito yung time na mapapasabi ka sa sarili mo kahit alam mong mali na sana ako nalang yung minahal nya, na sana ako yung ka holding hands nya, na sana ako yung pinakilala nya sa mama nya, na sana masaya kame ngayon, pero kabaligtaran nito ang nangyare sayo, malungkot ka araw araw dahil hindi naging kayo ng taong tanging pinapangarap mo at DAHIL MAY IBA SIYANG MAHAL!

Asado #5 – Stalker! Kahit alam mong MAY IBA SIYANG MAHAL! Pilit mo parin nilalapit ang sarili mo sa kanya through chat or any other means of communication, dahil nga marupok ka, nafa-fall ka ulit (More pa, saktan mo pa sarili mo), wala kang lakas ng loob iwaksi ang pagkatao nya sa puso mo dahil meron something sa kanya na di mo malaman kung ano ito na pilit humihila sayo pabalik sa presensya nya. Pilit mo parin sinasabe sa sarili mo na baka may chance, na sana kame nalang, kasi alam mo sa sarili mo kaya mo siyang pasiyahin di man sa material na bagay pero sa buong pagmamahal na handa kang ibagay para sa isang tao na malabo pa sa tubig ng Manila bay na maging kayo, handa ka parin ibigay lahat para sa kanya.

Sana ako yung minahal nya, Maganda isipin pero mali ang konsepto, alam mong masaya na siya sa piling ng iba, wag mo ng sirain pa, there is an old saying na “ kung mahal mo, you will let go” and on this part mukhang kelangan mo na siya iaapply in real life. Kasi sa ganitong way
– baka may darating na mas ok, yung taong tanggap tayo kahit anu pa tayo at hindi tayo sasaktan, yung taong mamahalin ng buong buong at di ka paaasahin. – Popoy 😊

Send me the best BW Tampal!

* indicates required